𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 22
Anlakas naman ng loob ng mga criminal na iyon! Sila na nga itong criminal? Sila pa ang may lakas ng loob na manghunting?
"Sila ang may dahilan kung bakit nakulong si Errexie."
"Hindi na ba safe magstay dito?"
"Safe pa din naman. Safe ka kapag nandito sa loob ng mansion! Ewan ko lang sa labas."
Ngumuso ako. "Tinatakot mo ba ako?"
"Hindi naman, sinasabi ko lang."
Sana naman hindi nila mahanap si Errexie. At sana maging safe din siya.
"Wala bang mga pulis na naghahanap sa mga iyon? Para wala narin silang ibang mabiktima."
"Walang ibang bibiktimain ang mga iyon, kundi si Errexie lang. Wag kang masyadong mag-alala may humahunting na sa kanila." nginitian niya ako at hinawakan ang ulo ko. "Pagaling ka ah!" naglakad ito kung nasaan si Haruki at walang pag-aalinlangang binuhat. "ihahatid ko lang siya sa kwarto niya."
Napatango ako.
Simula nang dumating ako dito? Itong dalawang ito ang magkasundong-makasundo. Alam mo iyong parang hindi nila kayang pabayaan ang isa't-isa. Magkaibigan sila pero iyong turingan sa isa't-isa ay parang tunay na magkapatid.
Ibinaling ang paningin doon sa dala-dala ni Haruki kanina at sinimulan iyong inumin.
Sa sandaling pag-iisa ay hinayaan ang sariling pagmasdan ang paglubog ng araw. Alahanin ang mga nangyari kagabe, ganoon pala ang pakiramdam ng nasasaktan! Parang pinipiga ng paulit-ulit ang puso ko! Akala ko kapag nagmahal ka! Hindi sinasadyang magkagusto sa Isang tao ay magiging masaya ka! Pero bakit walang nagsabi sa aking may karugtong pala na sakit ang pagmamahal?
"Hintuhin mo na, Vione! Tigilan mo ng magkagusto sa kanya! Putulin mo na ang nararamdan mo sa kanya habang hindi pa gaanong kalalim!"
Napaayos ako ng pagkakahiga ng makita kong gumalaw ang doorknob, pumasok si Auntie na may dala-dalang mga prutas. "Kainin mo ito, ah?"
"Hindi ko yata kayang ubusin yan, Auntie? Sobrang dami e..."
"Basta kumain ka!"
"Anong meron sa labas, Auntie? Bakit parang ang ingay naman yata?"
"Fireworks festival."
"Meron din pala dito niya'n? Akala ko sa Japan lang e..."
"Naging tradisyon narin ng mga tao dito 'yan, hija. Lalo na't, ang may-ari ng Lugar na ito ay may lahing haponese. Sayang lang at nilagnat ka! Hindi ka tuloy nakapunta..." pag-iiba niya ng usapan.
Siguro wala narin ako doon, tama na ang nalaman kong sikreto nung Lima, kesa naman may dumagdag pa!
"Masyado lang sigurong mahina ang resistensya ko, kaya kaagad akong kinapitan ng sakit."
"Masusustansya naman ang inihahain ko sayo ah? Baka kapag nakita ka ng magulang mo sa ganyang estado ay baka isipin no'n ay pinapabayaan kita!"
Nginitian ko siya. "Don't worry, auntie! Sasabihin ko sa kanila na hindi mo ako pinapabayaan since day 1 hanggang sa huling araw ko dito."
"Talaga ba? Baka pag-alis mo dito ay may marinig ako sa kanila ah?"
"Sisiguraduhin kong puro magaganda ang maririnig mo, Auntie."
"Aasahan ko 'yan ah? Ay, Oo siya nga pala.." lumapit ito sakin at nilagay ang likuran ng palad niya sa noo at leeg ko. "Hindi ka na ganoong kainit. Ayoko sanang ibigay sayo ito e." inilahad niya ang napaka gandang yukata. "Kasi nilalagnat ka! At dahil narin nakiusap si Laurence at Haruki sa akin? Sino ba naman ako para hindi sila pagbigyan at tanggihan ang request nila....sayang din ang pananatili mo dito kung hindi mo mararanasan ang festival."
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Teen Fiction"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫