𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 37

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 37

"Vione! Vione! Vione!"

Naimulat ko ang mata ng marinig ang boses na 'yon. Iginala ang paningin sa kabuohan ng kwarto. Halos mapatayo ng mukha ni Gania ang bumungad sa akin. Pero hindi mukha niya ang unang naalala ko. Kundi ang nangyari sa akin at mga sugat ko. Tinapunan ko nang tingin ang kabuohan ng katawan ko maging ang mga sugat pero halos ipagtaka ko ng wala man lang akong makitang sugat. Maging ang suot ko ay halos hindi man lang nasira.

Eh?

Mabilis akong tumayo at tinignan ang sarili sa salamin. Baka kasi namamalik mata lamang ako. Pero kung ano iyong nakita ko kanina ay ganon din nakikita ko sa harap ng salamin.

Ehhhhh......

"D-don't tell me......"

"Are you having a nightmare?" tanong ni Gania na ikinatahimik ko.

Talaga bang panaginip lang iyon?

"Hindi ko alam kung totoong nangyari iyon o panaginip lang." Para kasi talaga siyang totoo. Isang bangungot na gugustuhin mong gumising kaagad at hindi na hihilingin mangyari pa. "Tell me, Gania! Panaginip lang iyon diba? Hindi naman ako umalis dito sa mansyon kagabi, diba?" gusto kong malinawan. Gusto kong paniwalaan na isa lamang iyong bangungot.

"Nung bumalik ako dito kagabi, nadatnan kita sa balcony, natutulog...binabantayan ka ni Candila. May hawak ka pa ngang isang libo e." Ah iyong isang libong inutang ko kay Candila. Pero bakit ganon? Parang totoo ang nangyari! Hindi naman kaya tumakas ang kaluluwa ko kagabe at gumala-gala? No! Ayokong isipin!

Upang makasigurado ay kinuha ko ang phone at tinignan kung tumawag nga si Laurence kagabe. Pero kahit anong scroll ko sa cellphone ay wala akong makita. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla ko na lamang nabitawan ang cellphone at napaupo sa harap ng salamin.

I'm glad it was just a nightmare. A nightmare that gave me too much pain. Heartbreak, trauma and fear.

Kung totoong mang nangyari 'yon ay baka hindi ko kayanin.

"Vione?" nag-aalalang tinig ni Gania. "Is there something wrong?"

"Nah, masaya lang ako na bangungot lang iyon." masayang-masaya ako. Sa sobrang saya ko ay halos tumulo ang mga luha ko.

Lumapit siya sa akin at sinalo ang mukha ko. "Kung anomang nangyari sayo diyan sa panaginip mo. Kahit hindi naman tayo ganoon kalapit sa isa't-isa palagi mong tandaan habang nandito ako ay sasamahan kita." nayakap ko siya nang sandaling iyon.

"Nakakatakot iyong panaginip na 'yon, Gania! Hindi ko na gugustuhin magkaroon pa ng panaginip na ganon."

"Wala kang dapat ikatakot, nandito ako." kumalas ito sa pakakayakap. "Hintayin mo ako dito at ikukuha kita ng tubig." hindi ko na siya sinagot at natulala nalang sa harap ng salamin. Hinawakan ang leeg hanggang sa mayakap ko na ng tuluyan ang sarili.

Ano bang ginawa kong pagkakamali para magkapanaginip na ganon? I don't understand! Iyong mga lalaking 'yon, si Denniz, kapatid ni Gion at iyong Mama ni Denmar sa panaginip ko...talaga bang Mom niya iyon? Hindi naman siguro, dahil napaka imposible no'n! Pero kahit saan ko tignan ang nangyari ay parang totoo. Kahit na masamang panaginip lamang iyon ay gusto ko siyang kalimutan. Gustong-gusto kong kalimutan!

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon