𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 38

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 38

Si Auntie! Magsasabi ng tungkol sa mga AKIRA tapos mangbibitin pa.

"Tanging AKIRA lamang ang nakakaalam niya'n."

Pagkatapos niyang sabihin sa akin 'yan ay iniwan nalang niya ako at bumalik sa trabaho niya. Sabagay, ano ba naman ang karapatan ko para malaman pa iyon! E una palang hindi naman ang pag-uusisa sa mga AKIRA ang ipinunta ko dito! Ilang ulit ko na bang nasabi sa sarili ang salitang ito? Nandito lang ako para magbakasyon at lumanghap ng sariwang hangin, Period! Pero habang nandito ako ay hindi maiiwasan ang walang malaman sa mga AKIRA, lalo na may nakakasama akong AKIRA.

Pagkatapos mapalitan lahat ng bulaklak ay dumaretso ako ng library upang magbasa-basa, pero kahit saan ako tumingin, kahit anong hawakan kong libro ay hindi ko man lang magawang buksan at basahin. Parang bigla ay nawalan nalang ako ng ganang magbasa. Nakakaramdam ako ng pagkaburyo. Ganito pala ang pakiramdam kapag wala sila. Walang Haruki na gigisingin ako sa niluluto niyang sunog na pancake. Walang laurence na pumapasok nang kwarto ko tuwing umaga, walang Gion na nakikita sa library, na halos abala sa pagbabasa. Walang Denmar na umagang-umaga nakikitang kumakain mag-isa sa hapagkainan habang nakabusangot. At higit sa lahat walang Errexie, na walang ibang ginawa kundi ang magsanitize. Ang maisip sila sa ganitong sitwasyon ay nakakamiss rin pala sila.

Ano na kayang nangyari sa kanila pagkadating nila doon? Okay lang kaya sila? Nakadating kaya sila ng safe do'n? Siguro ay okay naman sila ngayon. Hindi ko kailangan mag-alala dahil kaya naman nilang alagaan ang sarili nila. Lalo na maayos na ang relasyon ng isa't-isa sa lahat.

Nagtagal pa ako sa library, hindi para magbasa, basta gusto ko lang manatili rito upang ikalma ang sarili at linawin ang mga dapat linawin.

"Habang wala kami dito! Kailangan mong malaman ang totoong nilalaman ng puso mo!"

Ano bang totoong nilalaman ng puso ko?

Ang magkaroon ng masamang panaginip ay parang nalinawan ako sa nararamdaman ko. Siguro ay iisa lamang ang sagot ng panaginip at realidad. Bago ko pa mapagtantong hulog na hulog na ako kay Denmar. Ay may sumisibol na panibago dito sa puso ko. Hindi maipagkakailang nagustuhan ko siya. Noong akala kong lumalalim ang pagkagusto ko sa kanya ay hindi namamalayan unti-unti na pala itong naglalaho. At napalitan ng panibago.

Itinatanggi ko no'ng una, pero dito din naman pala ang tuloy nito. Nagustuhan ko ang musika niya at tuluyan namang nahulog ang damdamin ko sa mga titig niya. Oo na, hindi ko na talaga maipagkakaila ang naramdamang ito.

"Loving my music, it means...loving me."

Hindi ko mapigilan ngumiti nang sandaling maalala ang sinabi niya. Para bang kiniliti ako ng mga salita niya. Ngunit hindi nagtagal ay unti-unti rin napawi ang mga ngiti ng maalalang ilang buwan nalang ang itatagal ko dito. Hindi rin naman magtatagal ay iiwan ko sila...siya.

"Why are you so down? Kanina lang para kang tangang ngumingiti nalang diyan?" naingat ang ulo ng marinig ang boses ni Gania.

Nasa tabi ito ng bintana nakaupo at nagbabasa.

"Hindi ko lang alam kung tama ba itong nararamdaman ko! O dapat ko ba itong maramdaman!" I am not here to fall in love. Palagi kong kinukumbinsi ang sarili na hindi ako pwedeng magkagusto, isa man sa kanila pero hindi naman iyon nangyari.

Isinara nito ang libro. "Bakit? May nakapagsabi na ba sa iyong hindi tama ang nararamdaman mo?" For some reason ay natigilan ako. Wala, dahil sarili ko lang naman ang nagsasabi na hindi tama ang nararamdaman ko. "Kahit ano pa 'yang nararamdaman mo ay valid 'yan! Kapag may isang taong nagsabi sayong magsaya ka! Kahit hindi naman iyon ang nararamdaman mo ay magsasaya ka ba?" Of course not! "Kontrol mo ang sarili mo! Ikaw lang nakakaalam sa totoong nararamdaman mo. Happiness, sadness. Happiness give you the greatest feeling, gugustuhin mo nalang na maging ganoon ang takbo ng buhay, pero hindi ganoon ang takbo ng buhay e. Minsan kasama ng saya ang lungkot! Sadness give you the worst feeling but teach you how to handle it on your own. It either you fixed yourself or you need someone to rely on. Pero para sa akin mas gugustuhin kong damhin ang lungkot ng mag-isa. Umiyak hanggang sa maging okay ako! Hindi naman kasi natatapos sa puro lungkot lang. Minsan kailangan mong maramdaman ang kalungkutan upang may dahilan kang magpatuloy ulit. Motivations and inspiration. Pero minsan bibigyan ka ng lakas ng loob upang magpatuloy ulit."

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon