𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 41

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 41

Lumipas na lamang ang ilang linggo na palaging may laurence ang naghihintay sa akin sa labas ng kwarto ko. Walang araw na hindi niya ako pinabayaan. Tuwing nagtatangka akong kausapin ni Denmar ay palagi siyang nakaharang, hindi binibigyan ng pagkakataon na kausapin ako ni Denmar. Sa totoo lang siya na iyong super duper overprotective na nakilala ko.

"Are you avoiding, Denmar?" boses nang lalaking ilang linggo kong hindi nakita at narinig. "Why? I thought you love her?" tanong na nakapagpakabog ng puso ko.  Noong una, oo! Pero hindi ko naman inaasahan na hindi pala pangmatagalan ang pagmamahal na naramdaman ko sa kanya. Paano kung sabihin kong...siya na ang mahal ko? Maniniwala ba siya o pagtatawanan lang ako! Magiging selfish at unfair ba ako kapag sinabi ko ang totoong nararamdaman ko? Na siya ang sinisigaw ng puso ko. Magiging makasarili ba ako kung pipiliin kong sumaya sa huling sandaling nabubuhay ako na kasama ang lalaking mahal ko?

Pero imbes na sabihin ay pinilit ko nalang kimkimin ang lahat.

"Ganoon yata talaga...maski ang nararamdaman ay nagbabago nalang ng mabilisan."

"What do you mean by that?"

Sinalubong ko ang mukha niya pero ayon na naman ang maskarang suot niya.  "I mean nothing..." nagbibigay sa akin ng katanungan ang pagsuot niya muli sa maskarang iyan, gayong nakita ko na naman na ang itsura niya.

Tinalikuran ko siya, pero ganoon nalang ang  pagtigil ko nang hawakan niya ang kamay ko. "Am I the reason?"

Oo, gusto kong isigaw sa mismong harapan niya na siya ang rason. Pero pinapangunahan ako ng takot. Takot na kapag umamin ako ay baka mahalin niya ako nang buong-buo. Tapos ano? Kapag mahal na mahal na niya ako ay iiwan ko rin naman siya. Takot ako na baka sa pagka-wala ko ay masira ko ang buhay niya.

Masira ko lahat ng magagandang bagay sa kanya.

"You don't have to know the reason." buong lakas kong kinuha ang kamay at naglakad papalayo sa kanya.

Even if i loved you.... I choose to leave you. I rather see you with someone else than seeing you with me–

Halos balutan ako ng takot nang maramdaman ang yakap niya sa likuran ko.

"Making that face in front of me, huh? I don't care anymore! I don't care if Denmar is still in love with you! I wanna keep you by my side. Taking care of you, loving you, at ipaparamdam sayo sa araw-araw na maganda ka." Errexie! "I will hold you until your last breath! Huwag mong isiping maiiwan ako! You all have to do is to love me. Do you think I am not aware what gonna happen to you, ah? I am fully aware and prepared, to the point that it scares me if don't do something."

"I'm afraid...." Kahit na sabihin niyang huwag kong isiping maiiwan ko siya...ay nagbibigay pa rin iyon ng takot sa akin. Paano kung mas masira ko ang buhay niya? Paano kung sa pagkawala ko ay mas makalimutan niyang tumawa? Mapabayaan niya ang sarili niya. Pwede bang hindi alaanin ang mga bagay na iyan?  Gayong ngayon palang ay nasasaktan na ako sa pwedeng mangyari sa kanya.

Hanggang sa maramdaman ko nalang na unti-unti na niya akong pinapaharap sa kanya at hinawakan ang kamay ko, ramdam ko ang panginginig ng kamay niya.  "I'm afraid too! Pero mas nagbibigay ng takot sa akin ang hindi ka mahawakan habang nandito ka sa tabi ko. I love you. At walang sinoman ang makapagbabago niya'n." namuo ang kakaibang saya at takot dito sa loob ko. Marahil ay ganito talaga ang pagmamahal! Masaya na may halong takot.

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon