𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 23
Lumipas ang Isang linggo na walang masyadong nangyari. Sa buong linggo na 'yon ay wala akong ginawa kundi ang matulog at mag-ensayo, minsan naman ay tumutulong ako kay Auntie dito sa mansion, para kahit pa paano naman ay may silbi ako, siguro dahil narin sa impluwensya ni Laurence– napakasipag niya kasing tao.
Ang totoo niya'n madalang ko nalang silang makita. Si Laurence umuuwi lang siya kapag kakain na, pero nakakausap ko pa din naman siya, kahit sandali lang siyang nananatili rito! Naiintindihan ko naman kung ano iyong inaasikaso niya, bagay na mahirap din namang pakialaman.
Si Gion? Wala naman ibang pinagmamalagihan iyon. Parati lang siyang nasa silid aklatan, tuwing nakikita ko naman siya ay palaging may hawak na libro, kaya minsan hindi ko narin siya magawang pansinin, kasi nasa libro parati ang paningin, mahirap na baka kapag inisturbo ko siya ay ihagis nalang sakin ang libro no!
Si Haruki naman, madalang ko nalang siya kung makita! Wala na rin akong naaamoy na nagluluto ng pancake tuwing umaga, pagkatapos kasi nung gabing kasama namin siyang nanuod ng fireworks ay bigla nalang siyang nawala. Kung makita ko man siya ay parating malayo ang tingin, parang ipinaparamdam sa akin na gusto niyang mapag-isa. Kahit sino naman siguro kapag dumaan sa ganoong sitwasyon ay gugustuhin mo nalang mapag-isa! Labis lang siguro talaga siyang naapektuhan!
Si Errexie? Hindi ko na siya nakita magmula nung nalaman ko kay Auntie na nandito siya! Hindi na siya nagpakita pa, minsan gusto ko nalang isipin iyong sinabi sa akin ni Haruki na mailap siya sa mga tao, hindi nakikisalamuha! Pero iyon ba talaga ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nakikita? O takot lang siyang magpakita sa akin kasi baka husgahan ko siya, o baka naman may iba pa siyang rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin siya nagpapakita?
Ano at sino ba si Errexie?
Anong klasing tao siya?
Ano ang totoong mukha niya? Kasi hanggang ngayon hindi ko maiwasang isipin 'yan! Sino ba talaga siya? Bakit parang napaka misteryoso ng pagkatao niya? Kasing misteryoso rin kaya siya ng kapatid niya noong una ko siyang makita!
Hindi ko maiwasang isiping.... May mata rin kaya siya tulad nung sa kapatid niya? Matang kapag tinignan ay hindi malalaman ang totoong emosyon o nakapaluob dito? Sabi nila kapag gusto mong malaman na malungkot o masaya ang isang tao ay tumingin kalang sa mata niya, pero habang tinitignan ko ang mata ng Denniz na 'yon? Wala akong makitang lungkot o saya sa mga mata niya, para lang akong hinihigop ng mata niya, parang ako ang binabasa niya. Sa huli hindi ko nakakayanan pang tumingin pa sa kanya! Bakit ganon? Bakit parang napaka kakaiba niya?
Iniling ko ang ulo ng maalala na naman ang mga titig niya.
Hindi ko dapat iniisip 'yon? Sana walang ganong mata si Errexie nang para kahit pa paano ay makayanan ko siyang tignan.
Tungkol kay Denmar naman...palagi ko silang nakikita ni Cavanna, na masaya, bagay na ikinalulungkot ko minsan. Iyong araw-araw na makita silang sweet, magkahawak kamay, nagtatawanan, nagsusubuan para iyong torture sa aming dalawa ni Haruki. Siguro iyon narin ang dahilan kung bakit lumalayo siya. Masakit para kay Haruki ang makita ang mga 'yon! Kahit man lang sana ikinunsidera ni Cavanna na nasasaktan ang ex-boyfriend niya sa ginagawa nila ni Denmar, lalo na kakahiwalay palang nila! Hindi ba pwedeng pumili ng lugar na malaya silang magharutan! Kailangan talaga dito pa? Iyong nakikita pa namin!
Masama na ba ako kung sabihin kong....hindi magandang ideya na nandito 'yang Cavanna na 'yan! Hindi naman sa gusto ko siyang umalis, ang akin lang ay kapag nanatili pa siya dito ay baka maging kumplikado pa lahat.
Ano pa nga ba ikinatatakot ko? E kumplikado na sa simula palang!
Dahil sa ayoko nang isipin ang lahat ng tungkol sa kanila ay tinignan ko na lamang ang sariling repleksyon sa salamin, ngumiti at inayos ang white dress na binili sa akin ni Kuya Philip. Sa Isang linggong dumaan ay madalas niya rin akong puntahan para makipagkwentuhan, minsan naman ay pinapasyal niya rin ako dito sa ASAHI CITY para maalis daw ang pagkaburyo ko.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Novela Juvenil"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫