𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 18

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 18

Hindi niya ba naisip na lahat ng tao sa gabing iyon ay nagsasaya habang iyong lalaking iniwan niya ay nasasaktan. Ayoko sanang magjudge pero hindi ko maiwasan!

He never tried to love you? O ikaw itong hindi nagtry na mahalin siya?

"Huwag na sanang umabot ito kay Denmar..." saad ng lalaking naghihintay sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

Kung ganoon ay narinig niya ang usapan namin ni Cavanna! Kung nagkataong hindi narinig ang usapan namin ni Cavanna, aware kaya siya sa nararamdaman sa kanya ni Cavanna.

Bumuntong hininga ako at tipid siyang nginitian. "Wag kang mag-alala, wala naman akong balak sabihin kay Denmar lahat ng naging usapan namin ni Cavanna, na narinig mo rin." tumapat ako sa pintuan. "Pwede na ba akong pumasok ng kwarto ko?" tumabi naman siya.

Pagpasok ko, halos maisandal ang likuran sa pintuan.

Ano pang malalaman ko tungkol sa kanila? Parang anumang oras ay sasabog na ang utak ko, kung sakaling may malaman pa ako ngayong Gabi. After nung revelation ni Leon tungkol kay Errexie. Pinagdadaanan ni Laurence, tapos malalaman ko pang may nararamdaman si Cavanna kay Haruki.

Hindi ko na alam kung ano ng iisipin ko e, o dapat ko bang isipin lahat ng iyon.

Muli akong bumuntong hininga. "Huwag mo nalang isipin, para hindi ka namomoblema." kumbinsi sa sarili. "Tama, wag mo nalang isipin ang mga nalaman mo ngayon." Itutulog ko nalang siguro ito.

KINABUKASAN.....

Nahawakan ang ulo sa sobrang sakit nito. Kahit na isipin kong hindi na isipin ang mga nangyari kahapon ay hindi ko mapigilan, lalo na nagkukusang pumasok sa isipan ko. Anong gagawin ko? Inom nalang ng gamot ganon? Pero kahit na uminom ako ay hindi mababago ang nilalaman ng isipan ko ngayon! Kailangan ko ng distraction para mabago ang laman ng isip ko.

Ano bang pwedeng gawin ngayon?

Paano kaya kung magbasa nalang ako o kaya magshopping? Mmmmm...mukhang magandang ideya ang magshopping ah.

Bumangon sa higaan at tinignan isa-isa ang mga damit, bawat makitang hindi magustuhan ay nilalagay sa kama, nang halos sampung dress na, 7 pairs na pantulog, 7 pairs na pang-araw-araw ay– "mukhang kailangan ko nang magshopping."

"Ate Vione."

"Oh lily, may kilala kabang pwedeng pagbigyan nito." tinuro ko ang mga damit.

Lumapit ito. "Ang aayos pa nito ah?" Inangat nito ang Isa. "Ipapamigay mo na?"

Tinignan ko siya at ibinaling ang paningin sa dress na hawak niya. "Maliit na kasi sila sakin, sayo nalang mukhang kasya sayo e."

Binitawan nito ang dress. "Hindi ako nagd-dress, Ate Vione."

"Well, ito na ang chance para makapag-dress ka! Maganda naman ang katawan mo at makinis naman ang balat mo! Siguradong babagay 'yan sayo kapag sinuot mo." kinuha ko lahat ng damit at ibinigay 'yon sa kanya. Natataranta naman niya itong sinalo.

"Masyadong marami ang mga ito, Ate Vione."

"Ano ka ba? Konti lang yan." ngumiti ako. "Plano ko kasing magshopping ngayon, bumili narin ng dress na susuotin sa competition."

"Sigurado ka ba diyan Ate? Hindi ka ba pwedeng pumili nalang dito? Andami pang magaganda oh–"

"Ano ka ba! Sayo na 'yan no...sige ka....magtatampo ako kapag hindi mo tinanggap ang mga 'yan!"

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon