𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 32

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 32

Tatlong araw na ang lumipas at simula noon, tuwing nagtatagpo ang landas namin ni Errexie ay parang wala kaming napag-usapan, hindi namin napag-uusapan ang mga napag-usapan namin noong nakaraan. Parang normal lang ang lahat, pwera nalang iyong kabang nararamdaman ko tuwing hindi sinasadyang nagkikita kami dito sa loob ng mansion. Naging pabor naman sa akin ang hindi namin pag-uusap. Ayoko rin naman kasing pag-usapan ang tungkol do'n.

"Napapansin ko nitong mga nakaraang araw ay parang naeenjoy mo na ang pananatili rito at kasama sila?"

"Ikaw na rin ang nagsabi sa akin, Auntie! Na subukan ko mo na silang kilalanin, araw-araw ay nakikilala sila, nakikita ang totoong sila at ngayong nakilala na sila nang tuluyan ay hindi naman pala masamang manatili rito! Nag-eenjoy ako sa bawat araw na kasama at nakakabiruhan sila, alam mo? Akala ko rin hindi ako magtatagal rito, akala ko limang araw palang ay sumuko at nagmakaawa na ako sa kanila na ibalik ako sa Japan." natawa ako ng maalala lahat ng ginawa kong paraan na makatakas pero lahat ng 'yon ay sablay. "pero hindi nangyari, the way i want to go back in Japan...siya ring gusto ko pang manatili rito." nakangiti kong ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mesa. Nitong mga nakaraang araw halos nagsasabay-sabay na kasi silang kumakain, bagay na ikinagulat ko no'ng una. Pero ngayon ay unti-unti ko na ring nakakasanayang makita silang sabay-sabay na kumakain.

"Bilang isang taong taga pangalaga nila, hindi ko na inaasahang magkakaayos pa sila at makita muli silang magbiruhan, masaksihan muli ang ginagawa nila ngayon. Naging saksi ako sa hindi nila pagkakaunawaan at ngayon na makita silang ganyan ay-" ipinagpaliban ko ang pag-aayos ng mesa at lumapit sa kanya upang bigyan siya ng tissue, kasi parang anomang oras ay tutulo ang luha niya. "natutuwa ako, Vione, anak." kinuha nito ang kamay ko. "Natutuwa ako dahil dumating ka! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaayos-ayos sila."

Umiling ako. "Wala naman po akong ginawa, kung nagkaayos-ayos man sila ay sila rin naman ang may kagagawan no'n. Sila ang may kagustuhang ayusin ang problema nila sa bawat isa at kung anumang problema nila sa pamilya nila. Tinulungan nila ang sarili nilang makaalis sa problemang nilalamon sila ng pa unti-unti." tumingin ako sa direksyon kung nasaan sila. Pinag-aagawan nila ang bola ng may tuwa sa labi. Nakakatuwa lang na pansamantala nilang ipinagpaliban ang ginagawa para lamang makipaglaro ng soccer kay laurence.

Naibaling ang paningin kay Auntie nang pisilin nito ang kamay ko. "Basta napakalaking tulong nang nagawa mo sa kanila."

"Alam mo, Auntie? Kapag bumalik nako ng Japan, talagang mamimiss kita." pag-iiba ko ng usapan. "mamimiss ko ang lasa ng cupcakes na gawa mo. Parang gusto ko yatang kumain ulit no'n ah! Kahit bago nalang ako umalis, pabalik ng Japan."

"Is too soon to talk about that?" boses ni Laurence.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"Oo nga." pagsang-ayon naman ni Haruki.

"May sampung buwan mahigit ka pa ngang maninirahan dito e." dagdag naman ni Gion.

Hindi, may apat na buwan at tatlong linggo nalang akong maninirahan dito at hindi pa nila nalalaman iyon. Ayokong malaman nila, mas gugustuhin kong umalis dito nang wala silang nalalaman, kung may isa mang nakakaalam ng pag-alis ko, walang iba kundi si Errexie lamang.

Sinulyapan ko siya pero wala sa akin ang paningin niya. "Wala naman akong sinabing aalis ako agad ah? Napag-usapan lang namin ni Auntie ang tungkol sa cupcake, baka kasi hindi na niya ako maigawa ng cupcake kapag bumalik nako ng Japan, wala rin naman kasing katulad ang cupcake niya, dahil kakaiba at sobrang sarap ng cupcake niya." ngumuso ako. "tsaka huwag nga kayong umarte na parang gustong-gusto niyo akong kasama dito at hindi gustong umalis dito!"

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon