𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 29
Siguro meron talagang ganoon no? Hindi lahat ng tao dito sa mundo ay nagkakaroon ng pagkakataong makasama ang magulang o mga minamahal nila. Wala kang ibang pagpipilian kundi tanggapin. Tanggapin ang mga bagay na una palang alam mo ng hindi mo na mararasanan.
Parang ako? May mga bagay na gusto akong gawin pero parang hindi ko na rin mararanasan.
"Hindi pala lahat ng tao maswerte no?" puno ng kahulugan ako nitong tinignan. "maaring nagmumukhang kang perpekto sa iba pero hindi iyon ang tingin mo sa sarili mo, dahil may mga bagay na kulang sayo na nakikita o nahahanap mo sa iba. Maaring na sayo na ang lahat ng yaman, pero wala ka namang kumpletong pamilya!" puno ng pait akong ngumiti. "Maaring may kumpleto akong pamilya pero hindi rin naman magtatagal ay iiwan ko sila.... Sana may mahabang buhay din ako tulad ng sayo no? 'yan ang bagay na hinihiling ko na sana meron din ako! 'yan ang malaking kaibahan natin!"
Sa ikalawang pagkakataon ay napahawak na naman ako sa noo ko. "Masakit iyon, ah?"
"You think too much! For now, all you can do is...live and do whatever want! Kung gusto mong lumipad na parang ibon? Gawin mo! Kung gusto mong gawing nakakatawa ang buhay mo o kung ano pa man 'yan ay gawin mo! And I don't mind doing all of that with you..."
Hindi ko maiwasang ngumiti sa mga sinabi niya. Magandang ngiti nalang talaga ang maigaganti ko sa kanya.
"Palagi kitang nakikitang umiiyak, at hindi ko inaasahang may magandang ngiti ka palang tinatago. You should smile often."
Muli nitong kinuha ang yarn at ang hook at nagsimula na naman sa panggagansilyo.
"Nakausap ko ang magulang mo," naalis ang pagkakangiti ko sa narinig. "They want to talk to you."
"Hindi pa pala sila umalis..."
"Nah, gusto nila bago sila bumalik ng Japan ay makausap ka!" tumingin ito sakin. "Gusto mo ba silang kausapin?"
Panandalian akong natahimik. Ang totoo niya'n... Hindi ko din alam! Ano iyong posibilidad na pwede naming pag-usapan kung sakaling pumayag akong makipagkita sa kanila? Alam mo iyong pakiramdam nang..I wanna see them but I don't wanna talk to them!
"Pwede bang pag-isipan ko na muna?
"Sure, take your time."
Tumayo ako. "Sabihan kita kapag handa na ulit akong harapin at kausapin sila."
Ngayon kasi? Hindi pa ako handang makita sila! Isa lang naman ang posibilidad na pwedeng maging rason nila kaya gusto nila akong makausap. Iyon ay ang tungkol sa magiging kapatid ko. 'yan lamang ang nakikita kong dahilan para kausapin ako.
Napatingin ako sa kawalan. "Sa ilang linggong wala ako sa Japan, ni minsan ba ay namiss nila ako?" naisantinig ko.
Maybe not! Dahil kung namiss nila ako ay tatawag ang mga iyon. Pero wala naman akong natanggap na tawag mula sa kanila.
Unti-unti ko ng tinatanggap ang pag-adopt nila, pero iyong tampo ko sa kanila ay parang hindi parin nawawala. Hindi ko alam kung kailan mawawala!
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang maaninagan ko sina Laurence at Gion na magkasama at parang masinsinan na nag-uusap. Habang pinagmamasdan sila sa ganoong sitwasyon ay hindi ko maiwasang matuwa. Parang kailan lang nung makita silang magsagutan! Magsuntukan! Pero ngayon unti-unti na nilang inaayos ang lahat. Bilang ako na nakasaksi sa pag-aaway nila, ay natutuwa lang na makita silang ganito ngayon.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Dla nastolatków"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫