𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 46
Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang hihintayin namin bago dumating ang hinihintay namin. Halos sampung minuto palang ang nakakalipas pero parang katumbas nito ay isang oras. Nag-aalala na ako ng husto sa kalagayan at pwedeng mangyari kay Errexie.
Bakit ba ang tagal niya?
Wala naman sigurong masamang nangyari kay Denniz, ano? Dahil kung meron ay ba-
Naiangat ko ang paningin ng marinig ang pagbagsak ng pinto. At para akong nabuhayan ng pag-asa ng makita kung sino siya.
"Ilang minuto o oras na siyang walang malay?"
"Kung hindi ako nagkakamali ay nasa sampung minuto." sagot ni leon.
"Sampung minuto?" naglakad ito papalapit sa kinahihigaan ng kuya niya. Hindi niya ito hinawakan o kahit na anong ginawa, basta tinignan niya lang ito, para bang sa paraan ng pagkakatitig niya ay nalaman kaagad ang kalagayan ng kuya niya. "Noong nakaraan taon may 30 cuts siya, at labing limang pasa! Ngayon naman 20 cuts, at labing tatlong pasa! Nabawasan naman kahit pa paano." napatitig kami sa kanya sa sinabi niyang ‘yon. Bibilangin niya lang ba ang mga natamong sugat at pasa ng kuya niya? Wala ba siyang gagawin? "Bakit kayo nakatingin sa akin ng ganyan! Kung tignan niyo ako ay para niyo akong papatayin!"
"Buhay ng kuya mo ang nakasalalay dito? Wala ka man lang bang gagawin! Hindi mo man lang ba siya dadalhin sa hospital?"
Tumingin siya kina Philip at leon. "Hindi niyo pa ba nasasabi sa kanila?" Ano ba ang kailangan nilang sabihin? Ano ba ang kailangan naming malaman! Bumuntong hininga siya. "Mas mabuti nang wala silang nalalaman."
"Ano ba kasi ang kailangan naming malaman?" naisigaw na ni Gion.
"Wala, hindi naman ganoon ka importante." sa pagkakataong ito ay umupo na siya at kinuha ang kamay ni Errexie para pakiramdam ang pulse niya. "Kailangan ko siyang obserbahan! Kailangan niyang madala sa bahay ko sa lalong madaling panahon!"
"Bahay mo? Bakit hindi sa hospital!" sigaw na naman ni Gion.
"Bakit nga ba hindi sa hospital?" naitanong niya din sa sarili. "Siguro kasi....siraulo ‘yong may-ari!"
"Walang nakakatuwa sa sinasabi mo!"
"Sino bang nagsabing nagpapatawa ako?"
Naglakad si Gion papalapit kay Errexie. "Ako nalang ang magdadala sa kanya sa hospital. Tutal wala naman ni isa sa inyong gustong dalhin siya sa hospital!" Akmang ibubuhat ni Gion si Errexie nang kwelyuhan siya ni Denniz.
"Huwag kang nangingialam sa patakaran ng pamilya namin!" madiing sabi niya. "Naiintindihan mo!" para siyang natakot sa sinabing ‘yon ni Denniz at hindi na niya nagawang ibuhat pa si Errexie. "Wala ako dito para magpaliwang kung ano talagang nangyari sa kanya! Hindi rin ako obligadong magpaliwanag! Nandito lang ako para kunin ang kuya ko." matigas na sabi niya sa mukha ni Gion.
Walang ibang nagawa si Gion kundi ang manahimik. Kahit sino naman siguro ay matatahimik kapag si Denniz na ang nasa harapan ng kahit sino. Tulad ng sabi ko...may vibe siya na nakaka-intimidate!
"Kailangan ko nang dalawang aalalay kay Errexie!"
Mabilis na lumapit sina Kuya Philip at Laurence sa harapan ni Errexie. Habang parehas silang nasa harapan namin ay makikita ang pag-aalinlangan sa mukha ni laurence.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Teen Fiction"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫