𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 48

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 48

Tatlong buwan na ang lumipas simula nung umalis ako ng 'ASAHI CITY' at magmula noon wala na akong nabalitaan sa apat, maging kay Errexie. Araw-araw ay napapatanong ako kung kumusta na sila. Pero walang sagot na bumabalik sa akin. Minsan para malibang ang sarili ay inaalala ko ang mga araw na kasama sila. Pero minsan...imbes matawa ay nagiging dahilan ito ng kalungkutan. Namimiss ko na sila.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Akala ko doctor na naman na titingin sa akin. Noong bumalik ako nang Japan ay halos sa hospital na rin ako manirahan. Walang araw na hindi ko ito iniwan. Hanggang sa pagsilip lang nang bintana ang ginagawa ko, pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa labas nito.

Ang totoo...nawawalan na ako ng pag-asang mawala pa ang sakit ko. Kahit sabihin pa ng doctor na curable pa siya, hindi ko pa rin tanggap na may stage 2 lung cancer ako. Kinumbinsi na rin naman ako ng magulang ko na magpasurgery, o dumaan sa kahit na anong treatment na 'yan pero sa huli iisa lang ang nagiging sagot ko sa kanila. 'ayoko!' pero wala e, darating din pala sa puntong papayag ako. Inaamin ko...hindi talaga sila ang dahilan kung bakit ginusto kong magpasurgery. May isang taong nagconvince sa akin na dumaan sa isang surgery. Kapalit ng pagpayag ko ay ang makaalis ako sa lugar na ito. After the surgery, sinundan naman iyon ng chemotherapy. Sa una at pangalawang beses ay halos nararamdaman ko na ang epekto nito. Unti-unting nalalagas ang buhok ko. Buti nalang noong nasa 'ASAHI CITY' ako ay nakisama ang katawan ko. May mga araw na nahihilo pero mas pinipili ko na lamang huwag ihinda ang pagkahilo. Baka kasi mag-alala pa ang mga kasama ko sa mansion. Bukod sa pagkahilo ay wala na naman akong naramdaman na mas malala do'n. Araw-araw ay kinakaya ng katawan ko, bagay na ipinagpapasalamat ko.

Muli kong tinapunan ng tingin ang matandang babaeng pumasok ng kwarto ko. "Antagal kitang hindi nakita, kumusta ka?"

Umupo ako ng maayos. "Nagiging mabuti naman po." tingin ko nga makakalabas na ako nitong susunod na buwan.

"Kumusta ang mga binatang iniwan mo sa 'asahi city?'"

Sasabihin ko ba na maayos sila nang iwan ko sila? Kailangan ko bang sabihin sa kanya ang kalagayan ng apo niya nang iwan ko siya! Deserve niya bang malaman ang nangyari sa apo niya kung siya rin naman ang may kagagawan no'n sa apo niya?

"Iniwan ko ang apat sa maayos na paraan! Samantalang ang isa ay hindi!" puno ng tampong sabi sa kanya. Hindi ko nga alam kung nagising na siya e. "Naging maayos ang pananatili ko roon kahit na hindi maganda ang samahan nila nung una! Kahit na may galit sila sa isa't-isa ay hindi nila ako dinadamay sa galit nila." Well, hindi maiwasan ang hindi mangialam at makarinig ng hindi magandang salita mula sa kanila pero sa huli naging maayos naman ang lahat. "Living in that mansion with them is one of the best."

Natawa ako ng maalala ang isang scenario na magkakasama kami sa bahay ni Denniz.

Bumakas ang ngiti ko nang paglabas ko ng kwarto ay mukha na agad ni Laurence ang nakita ko. Umagang-umaga nandito siya!

"Kumusta si Errexie?"

Panandalian akong bumuntong hininga at sinagot siya. "Ayon....hindi pa rin gumigising hanggang ngayon."

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon