𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 43

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 43

"Alam mo bang may rason kung bakit gustong-gusto ko itong bilhin, Ate Vione..." Really? "Kaya nung nalaman kong nabenta ay talagang nalungkot ako." I am sorry. "Gustong-gusto kong bilhin ito dahil na rin kay Laurence."

Gusto niyang bilhin ang instax mini na 'yan dahil kay Laurence?

Bakit?

Bumakas ang lungkot sa mukha niya. "Nasira ko kasi iyong instax niya, na bigay rin sa kanya ng Mama niya. Kaya nung wala na ito sa mall? Talagang nalungkot ako! Hindi ko kasi alam kung makakakita pa ako ng katulad na katulad ng bigay sa kanya ng Mama niya." ibinaling na nito ang paningin sakin. "Sinabi na naman niya sa akin na huwag ko ng palitan pero sa tuwing naiisip kong nasira ko iyong bagay na bigay ng Mama niya ay talagang nakokonsensya ako. Sobrang importante no'n sa kanya lalo na't galing sa Mama niya. Gustong-gusto kong palitan iyon. Ewan ko lang kung tatanggapin niya ito kung sakaling ibigay ko ito sa kanya. Hindi man ito iyong dati pero gusto pa rin na...kahit pa paano ay tanggapin niya ng buong puso! Tingin mo, Ate Vione...tatanggapin niya kaya ito kahit na galing ito sayo?"

"Hindi na galing sakin." tinapunan ko siya ng ngiti. "Ibinigay ko na sayo 'yan diba? So, hindi na galing sakin! Sayo na 'yan. At kung balak mo man ibigay sa kanya 'yan, paniguradong tatanggapin niya." hinawakan ko ang mga kamay niyang nakahawak sa instax. "Huwag kang magdalawang isip na ibigay sa kanya ang bagay na 'yan. Kung ano 'yang sinasabi ng puso mo sundan mo." bahagya kong kinurot ang pisngi niya upang mawala ang lungkot sa mukha niya. "Aba! Chossy pa siya kung hindi niya tinanggap no."

"Ate Vione....."

"Tatanggapin niya 'yan, lalo na galing sayo." Kinuha ko ang instax at ipinuwesto iyon sa harap namin. "Capture every moments of your life, kahit na malungkot o masaya pa 'yan! Say cheese...." At kinlick ‘yon, pagtapos ay ibinigay ko rin sa kanya ang instax. "Pero okay lang naman kung hindi rin niya tanggapin diba! Edi ikaw itong gumamit.""

Nayakap niya ako ng sandaling matapos kong kuhanan kami ng litrato.

"Bakit?"

"How can i repay you?"

Natawa ako. "Hindi naman kailangan." kusang loob kung ibinigay iyon, kaya hindi ako humihingi ng anomang kapalit. "Labas na tayo." hinila ko siya papalabas.

Paglabas namin hindi nakatakas sa pang-amoy ko ang amoy ng barbeque na kasalukuyang iniihaw ni Laurence. Pansamantala itong natigil sa pagpapaypay at nakangiting pinagmasdan si lily.

"Hi miss, can I call you mine."

Ganon nalang ang tawa ko nang dedmahin lang siya ni lily.

"Where you looking at? I am here, mine." pero pagsapok ang natanggap niya kay Gion. "What was that for?"

"Yang kalandian mo, tigilan mo!"

"I am not malandi! I'm just being a papansin here sa babaeng kasama ni Vione." Hahaha aminado e. "Why don't you look at me, Cayeha."

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Lily, siguro dahil iyon sa pagtawag sa kanya ni laurence sa totoong pangalan niya. Siguro dahil iyon ang kauna-unahang beses na tinawag siya sa totoong pangalan niya.

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon