𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 20
Nang makadating kami ng mansion ay kaagad din akong bumaba ng sasakyan, ayoko ko siyang kausapin! Mas lalo na ang komprontahin, dahil baka sa huli masabi ko iyong tungkol kina Haruki at Cavanna.
Mahirap na....mas okay na ang ganitong naninigurado.
Sa pagka frustrated ay dumaretso ako nang library at naghanap-hanap ng babasahin.
Nangunot ang noo ng naalala ang yakap at mga sinabi niya.
Hindi ba sinabi ni Auntie na pumunta ako ng mall? Kung makaasta siya ay para akong nawala e. Ahh! Kung parati kulang iisipin ito ay lalo lang magugulo ang isip ko, kaya naman binalik ko ang paningin sa libro.
"Journey." basa ko sa pamagat ng libro, pagkatapos ay binuksan ko ito.
"If you were given a chance to live forever....would you accept it or not?"
Pansamantala kong isinara ang libro at naglakad papalapit sa bintana at umupo roon. Humugot ng hininga at pansamantalang ipinikit ang mga mata.
"If you were given a chance to live forever....would you accept it or not?"
Posible ba ito? Lahat ng tao ay may hangganan, dumarating ang kamatayan ng isang tao.
Pero kung ikaw iyong taong nagtanong sa akin niya'n nung nakaraang taon? Alam mo kung anong sagot ko sa tanong na 'yan.
Isa lang ang buhay na meron tayo, swerte mo nalang kung nabigyan ka ng pangalawang pagkakataong mabuhay, tsaka depende naman siguro sa sitwasyon. If you're gonna die today at hindi kapa handang mamatay? Baka sakaling tanggapin mo 'yan. Who knows? Baka meron ding hindi.
"Nandito kalang pala?"
Naimulat ko ang paningin at napako iyon sa lalaking naglalakad papalapit sakin. "Why? Hinahanap mo ko?"
Nang makalapit ay tumabi ito sakin. "Si Denmar, hinahanap ka."
"Well, hindi ko siya gustong makita."
Mahina itong natawa. "Pinagtataguan mo ba?"
"Jusko iyong lalaking iyon pinuntahan ba naman ako sa mall, tapos bigla-bigla nalang mangyayakap, nakakahiya may fiancee pa naman siya."
"Really? Baka nag-aalala lang kasi bigla ka nalang nawala dito sa mansion."
"Hindi ako bigla nalang nawala no. Nagpaalam kaya ako kay Auntie na pupunta ako ng mall, bibili lang ako ng damit na susuotin sa competition." muli akong napatingin sa paper bag na iniwan ko sa tabi ng shelf, pero may isang taong nagmagandang loob na bilhan ako.
Ngumuso ako. "Hindi nasabi sa inyo ni Auntie na umalis ako, no?" sabagay baka wala ng sapat na oras si Auntie na sabihin pa sa kanila na umalis ako dahil busy nga naman siya kanina.
Isinara ko ang libro at diretsong tumingin sa kanya, titig na titig ito sa labas. Tumayo ako at sinundan kung anong tinitignan niya, napako ang paningin sa babaeng naglalakad papalabas ng gate, bahagya akong natawa ng maalala ang sinabi ni Auntie kanina bago ako pumunta ng mall.
"May pera ka ba diyan? Ihihingi kita ng pera sa kapatid ni Errexie."
Nakakahiya iyon kaya tinanggihan ko.
Totoo ngang nandito si Denniz.....
Kahit na malayo siya masasabi kong siya yan, dahil napagmasdan ko siya ng mabuti habang nasa truck ako no'n nung kausap siya ni lily.
Ibinaling ang paningin kay Gion, habang tinititigan ko siya ramdam kong gustong-gusto niya itong habulin pero pinipigilan lang nito ang sarili.
"Okay lang ba sayong hanggang titig ka nalang sa kanya?" iniwas ko ang paningin at ipinako sa librong hawak-hawak ko. "Bakit hindi mo habulin at sabihing mahal na mahal mo parin siya! Iyon kasi ang nakikita ko sa mata mo! Gusto mo siyang habulin para mayakap siya pero parang may pumipigil yata sayo? Si Keith ba?"
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Teen Fiction"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫