𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄
KINAUMAGAHAN
Pagkagising ko mabilis akong tumayo at inayos ang kama. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang akong napasulyap sa bintana, na kasalukuyan ding nakasara. Nangunot ang noo nang maalalang hindi ko naman iyon sinara. Hindi kaya may pumasok dito kagabi at sinara itong kurtina ng bintana ko?
Imposible......
Bakit hindi ko nararamdamang may pumasok? Dahan-dahang akong lumapit at inayos ang kurtina.
Kung titingin kaya ako dito ngayon? makikita ko pa kaya iyong nakita ko kagabe? Umaga na! Imposibleng makita ko pa 'yon.
Pikit ang isang matang dumungaw sa labas, pero ganon nalang ang pagkamangha nang makita ang napaka lawak na Hardin. Iba't-ibang klase ng bulaklak ang nadudungawan ko mula dito sa kinaroroonan ko.
Parang ansarap naman pumunta doon at sumayaw, sabayan ang mga bulaklak sa paggalaw. Ngumiti ako at niyakap ang sarili at parang baliw na sumayaw.
Hmmm. Lalala lala lalala lalalala-
"What are you doing?"
Naistatwa ako, parang robot na gumalaw ang ulo patungo doon sa pinangalingan ng boses na 'yon.
La-la-la-got na.
A-ano ng ga-ga-win ko ngayon?
Inalis ko ang pagkakayakap sa sarili, nagpanggap na abala sa pag-aayos ng kurtina. Napapikit at humugot ng hininga, para akong kakapusin ng sariling hininga dahil sa kahihiyang ginawa ko.
Naabutan niya akong sumasayaw at talaga nga namang nakakahiya iyon.
Kahit na halatang-halata na kabado ako ay humarap parin ako sa kanya. Sinubukang maging formal, na normal lang ginawa ng isang tulad ko iyong nakita niya.
"Sumasayaw." napapahiyang pag-aamin ko.
Pwede pa sanang gawan ng paraan iyong kung hindi niya ako nakita. Eh kaso nakita na niya ako, kaya hindi nako makakapagdahilan pa.
"Let me dance you, then..." sinubukan nitong lumapit pero pinigilan ko siya gamit ang kamay ko.
"Hindi!" Inamoy ang sarili.
"Ayaw mo?"
"Hindi, hindi pa ako naliligo." tumakbo ako papuntang banyo, pagpasok ko ay para akong tangang pinagsasampal ang sarili.
Anong kahihiyan iyon, Vione?
Hindi ako makapaniwalang nahuli ako ng isang Denmar na sumasayaw, hayst...pwede naman na dumungaw lang e, eh bakit may pasayaw-sayaw kapang ginawa!
Bakit ba kasi sinabayan kupa ang mga bulaklak sa paggalaw e pwede namang hindi.
Binilisan kong maligo, pagkalabas ko! Hindi inaasahang makikita ko pa siya sa kwarto ko. Nakadungaw sa bintana at parang malayo ang iniisip.
Bakit pa siya nandito? Ang inaasahan ko ay nakaalis na siya pero nagkamali ako!
"Bakit nandito kapa?"
Bumaling ito sakin. "I'm waiting, Vione..." Ito ang kauna-unahang beses na tinawag niya ako sa pangalan ko. Normal ko lang naman naririnig sa ibang tao ang pagtawag sa pangalan ko, pero bakit sa kanya ay ibang-iba ang dating?
"Kung tungkol ito sa pagsayaw....ayoko!"
"Bakit naman kita isasayaw?"
"Kasi 'yon ang sinabi mo kanina!"
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Genç Kurgu"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫