𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐗

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐗

Sino siya? Bakit alam niya ang pangalan ko? Pero nung sandaling iyon ay hindi ko magawang itanong dahil sa pagkawalang lakas ng loob.

Nanatili akong tahimik hanggang tuluyan na kaming makalabas ng bar. Mula sa labas tinitignan ko ang mga lumalabas na tao.

Bakit ganon?

Bakit bigla nalang nagkagulo?

Sumulyap ako sa tabi ko. "Ah, siya nga pa-" nahinto sa pagsasalita nang hindi ko na nakita pa iyong lalaking naglabas sa akin dito. "Nasaan na'yon?" bakit ultimong pagbitaw niya ay hindi ko namalayan.

Iginala ang paningin at sinubukan siyang hanapin pero kahit saan ako tumingin ay hindi ko na siya nakita pa. Sinubukan kong maglakad pero sa huli naistatwa ako ng may maramdaman akong humawak sa kamay ko. Paglingon ko, nagulat ako ng makitang si Laurence iyon, nang sandaling hawak niya ako ay sumagi sa isip ko ang plano kong pagtakas pero lahat ng iyon ay nawala sa isip ko, dahil sa lalaking naglabas sa akin dito sa bar.

"Saan ka pumunta?" lagot, "hinintay kitang lumabas ng wash room kanina pero wala akong mahintay na, Vione," hindi ko alam kung bakit may nababasa akong pag-aalala sa mga mata niya.

Pinag-alala ko ba talaga siya o nagkakamali lang ako sa nakikita ko?

"May gulo kasing nangyari kaya tumakbo nako palabas." pagdadahilan ko.

Tumingin ito ng diretso sa akin at ngumiti pero ganon nalang ang pag-aalala ng makita ang kabuohan ng mukha niya. "I'm glad you're safe..."

Napano siya...bakit puno ng bangas ang mukha niya?

Hinawakan ko ang mukha niya. "Anong nangyari sa mukha mo?" pero iniwas niya ito at tinabing ang kamay ko. Napaka arte niya, para kung hawakan lang e.

"W-wala." sagot niya at pagewang-gewang itong naglakad papunta sa sasakyan, pero hindi pa man ito nakakapasok ay bumagsak na siya nang tuluyan sa lupa.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. "Kaya mo pa bang tumayo?" tanong ko at pumantay sa kanya para alalayan siya. "Mabibilang ako ng tatlo ah! Pagkabilang ko nang tatlo sabay tayong tatayo!" tumango ito. "Isa, dalawa, tatlo." nasunod ang kagustuhan kong maitayo siya, sinamaan ko siya ng tingin nang makita siyang tumatawa.

"H-hindi ko alam na ang lakas mo pala!?"

"Alam mo! Hindi ko rin alam na gagawin mo akong taga buhat! Kung alam ko lang na ganito ang magiging kinahinatnan ko ay hindi na'ko pumayag maging date mo! Oh, well...hindi naman talaga ako pumayag, pero dahil sa kagustuhan kong makalabas ay sumama ako sayo!"

Lahat ng plano ko ay wala na, nasira na lahat! Hindi nako makakauwi ng Japan.

"Sinisisi mo ako ganon?"

"Hindi kita sinisisi, sinasabi ko lang!" nakangusong saad ko.

"Pero bakit parang naninisi ka!" sigaw niya, bakit parang siya pa itong galit? E ako ba ang nagdala sa kanya dito? Siya kaya itong nagyaya.

"Sinabi ko nang hindi ako naninisi e!" sigaw ko rin sa kanya. Aba hindi lang siya ang marunong manigaw no, marunong din ako!

"Wag kang mag-alala, next time idadala kita sa desenteng Lugar."

Bumuntong hininga ako. "Kahit wag na." sagot ko at inalalayan siyang makapasok ng sasakyan.

Sa susunod na yayain mo ko, sinisigurado kong hindi na ako sasama sayo!

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon