𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐄𝐍
Stop acting like this, Denmar! Hindi nako natutuwa!
"Sorry kung ganon nalang ang inasta ko nung gusto mo nang magpauwi ng Japan." napatingin nako sa kanya ng bitawan ang pagkakahawak sa pisngi ko. Naibaba ang paningin ng bumalik ito sa kamay ko. "simula ngayon magiging mabait na ko sayo. I treat you like a lady, but please... stay a little longer here....."
Denmar! Bakit ganito ka? Tatlong araw palang ako dito pero bakit pinaparamdam mong importante ako? If you stay like this—
"Tsk, creepy..." bulong niya tsaka lumayo sakin. "Hahaha do you think sasabihin ko talaga iyon? Hell no, Vione! Treat you like a lady... Really? E hindi ka nga mukhang lady e."
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagkainis, hindi lang pagkainis! Dahil sa mga oras na ito ay naiiyak na ako. Pinapakirot niya puso ko. "Umalis kana." tumalikod ako. "Kung wala kang ibang mapagtripan, lumabas ka nang 'asahi city' at maghanap ng ibang mapapagtripan! Wala nakong energy para sakyan pa ang mga biro mo!" Hindi ko alam na ang sakit mo palang magbiro, ngimiti ako nang humarap muli sa kanya. "Please leave...nakikiusap ako! Lumabas kana ng kwarto ko, pagod ako at gusto ko nang magpahinga." pinanuod siyang lumabas, pagkatapos ay mabilis kong inilock ang pinto at tumakbo sa kama. "Ayoko ng bakasyon na ito! Gusto ko nang umuwi..."
**********
Nagising ako nang may humahawak sa kamay ko, nang tignan ang isang kamay ay napuno na nang band-aid iyon. Tinangka kong kunin ang kamay kong ginagamot niya.
"Wag kang malikot, hindi pa natatapos."
"Sa pagkakaalam ko nilock ko iyong pintuan! Paano ka nakapasok?"
Nakangiti niyang inginuso ang balcony. Psh, doon siya dumaan? Pero nung sandaling tumingin ako sa balcony ay nakita ko na naman iyong Ibong kulay itim na nakatingin sakin.
Ang weird at ang creepy talaga nang Ibon na yan.
"Hindi mo na dapat ginagamot ang mga sugat ko."
Bumuntong hininga ito, lumapit sa akin at pinisil ang ilong ko. "Ah, masakit..."
"Hindi ko naman yata pwedeng gawin yan. Ang lakas kasi nang loob mong akuin ang trabaho ko kahapon, 'yan tuloy nasugatan ang mga kamay mo."
"Gusto ko lang naman na huminto kayo ni Gion no! Edi sana nung umalis siya ay binalikan mo ko, nang wala akong sugat ngayon!"
"Galit ka e, baka kapag binalikan kita, ipagtabuyan mo lang ako."
Ipagtabuyan daw ana....hoy, hindi ah!
"Ilang years kana dito?" gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ganon sila ni Gion.
"4 years, noong dumating ako dito naabutan ko na si Errexie. Gusto nang Dad niyang manatili ako dito pansamantala, wala kasing kasama dito si X, Wala din naman akong bahay na mauuwian kaya tinanggap ko na ang offer ng Dad niya. Magkasama kami dito sa mansion pero hindi kami gaanong nag-uusap. Masyado rin siyang mailap."
Ganyan din sinabi sa akin ni Haruki, bakit kaya?
"May isang taon na ako dito nang dumating naman si Gion. Dahil sa hindi ko halos makausap si Errexie. Mas naging magkasundo kami ni Gion." ngumiti siya ng mapait. "He's my best bud. Pero lahat ng samahan namin nasira nung dumating ang Isang babae. Sinabi ko sa kanya na gusto ko 'yong babae pero hindi niya ako pinakinggan, dahil nung mga oras na palang sinasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko sa babaeng gusto ko ay pinupormahan na niya pala ito."
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Teen Fiction"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫