𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 15

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 15

"Ate Vione." tuwang-tuwang tawag sa akin ni lily habang nasa flower field, na kasalukuyan ding namimitas ng mga bulaklak.

Araw-araw ang pamimitas niya, hindi ba nauubusan ng bulaklak ang mga halaman niya'n?

"Magdedeliver lang ako niyan, pagkatapos samahan na kitang magpalista."

"Sige, hintayin kita." sigaw ko pabalik sa kanya.

Maganda na naman ang mood niya, ano kayang magiging reaksyon niya kapag binanggit ko si Laurence?

"Lily. Si Laurence nasa likuran mo!"

Tumingin ito sa likuran niya. "Ewan ko sayo Ate Vione! Kapag ako nainis sayo, talagang hindi kita sasamahan mamaya."

"Haha biro lang."

"Sige, magdedeliver nako ah, ingat ka sa mga limang lalaking nag-gagwapuhan diyan. Nandyan lahat sila ngayon." kumuway pa ito bago umalis.

Lahat sila nandito? Siguro kailangan ko na talagang masanay, pinili ko nang tumira dito pansamantala e, sumama ako kay Denmar ng hindi sapilitan, binigyan niya ako ng pagkakataong bumalik pero tinanggihan ko.

Inayos ang damit na suot bago lumabas ng kwarto, bitbit ang violin. Pagkababa ko ay bumungad sa akin ang natutulog na Errexie sa sofa. Binitawan ang violin sa lamesita at nilapitan siya.

Bakit dito 'to natutulog, may kwarto naman siya sa itaas ah? Bakit hindi pa siya umakyat do'n para makatulog ng maayos, paniguradong pananakit ng katawan lang ang aabutan niya dito.

Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya.

What are you hiding inside this mask? Bakit hindi mo ito tinatanggal?

Hinawakan ko iyon at inangat ng bahagya pero laking gulat ko nang bigla nalang niyang huliin ang kamay ko.

"Bakit ba gustong-gusto mong makita ang mukha ko?"

Napalunok ako. "H-hindi k-kaya no!"

Binitawan nito ang kamay ko at umupo. "Umupo ka dito sa tabi ko."

Sinunod ko ang sinabi niya, nakagat ang sariling labi.

Ano naman gagawin ko dito? Magmumuni-muni ba o kaya tatanga nalang ganon?

Paano niya nalamang hinawakan ko ang maskara niya? E kung titignan kanina ang himbing ng tulog niya. Psh, malakas lang siguro ang pakiramdam niya, kaya kaagad niyang namalayan.

Gusto ko lang naman malaman kung anong mukha ang nasa likuran ng maskara niya.

"Bakit mo ba kasi tinatago 'yang mukha mo? Pangit ka ba?" wala sa sariling naitanong ko.

"You really want to see it?" inilapit niya ang mukha niya, dahilan ng pag-atras ko.

Napakalapit niya.......

"Kapag pinakita ko sayo ang mukha ko, baka pagsisihan mo lang..."

Pagsisihan? Parang hindi naman.....

"Don't scare her,.Errexie!" boses na nangagaling sa likuran ko.

"I'm not trying to scare her! Sinusubukan ko lang mabaling sakin ang atensyon niya at para narin mawala ang atensyon niya sa lalaking una niyang nakita."

Eh...eh....ehhhhhhh.......

Napapikit-pikit ako, hindi makapaniwala sa mga naririnig! Takang tinignan ang lalaking nasa likuran ko nang bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa likuran niya.

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon