𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓

Kinaumagahan ay nagising ako sa mga huni ng mga ibon, nanatiling nakahiga at pinagmasdan silang magliparan sa labas ng bintana ko, pero may isang kulay itim na ibon ang nakatawag nang pansin ko. Nakatingin ito sa direksyon ko habang pinagmamasdan ako. Hindi ko alam kung imagination ko lang 'to o talagang pinagmamasdan niya ako.

Ang creepy naman ng ibong ito!

Umiling nalang ako at ibinaling sa ibang direksyon ang paningin ko.

Ilang araw na ba akong nandito sa mansyong ito? Pakiramdam ko napakatagal na nang pananatili ko rito. Ang isang araw ay parang katumbas nang isang taon sakin.

Gusto ko nang umuwi nang Japan, namiss ko na ang magulang ko. Ano na kayang nangyari sa kanila? Simula nung umalis ako ay hindi na ako nakatanggap ng tawag mula sa kanila! Sana naman maisipan din nila akong tawagan, maski minsan lang.

Ilang beses narin akong tumawag sa kanila pero kahit anong tawag ko ay walang sumasagot, lalo na kagabe, pagkatapos akong kausapin ni Denmar tumawag ako sa kanila pero hindi nila sinasagot. Buhay pa naman siguro ang mga iyon, baka masyado lang siguro silang busy sa kompanya.

Tumayo ako at dumaretsu ng bathroom, tinignan ang sarili sa salamin at bahagyang ngumiti. 'don't worry, Vione! Tatawag din ang mga 'yon,' pangungumbinsi sa sarili, pero kahit anong pangungumbinsi ang gawin ko ay parang unti-unti naman akong nilalamon ng lungkot, siguro ganito talaga kapag namimiss ang magulang. Iyong gusto mo silang makausap pero hindi mo naman sila macontact dahil sa sobrang pagkabusy nila. O kaya naman sinasanay na nila ang sarili nila.

"Tama na, Vione! Tama na munang kakaisip sa kanila. Tatawag din sila okay." bumuntong hininga ako at lumabas ng banyo, pero syempre expected na naman na may isang taong naghihintay sakin sa tabi bintana pero sa pagkakataong ito, hindi siya si Denmar. "May kailangan ka ba?"

Bumaling ito sa direksyon ko. "Binilhan kita ng Japanese food, baka gusto mong i-try."

Ngumiti ako at nilapitan ang pagkaing itinuro niya sa mesa. "Oh, bento, sa itsura palang mukhang masarap na."

"Yeah, you should try it."

"Thank you--" teka, anong oras na? Bakit tanghalian na agad itong kakainin ko?

Nalate ba ako ng gising?

Kunot noo akong tumingin sa kanya. "Lunch na no?"

"Hmm."

Kinuha ang chopsticks at sinimulang kumain. Andami ko nang natikman na Japanese food, halos araw-araw nga ganito ang pagkain ko e, pero wala pa akong natikman na ganito kasarap.

"Ah, Vione," nakahawak ito sa batok niya, parang nahihiya. "T-thank y-you for taking c-care of me last night."

Hindi ko inaasahang marunong din palang mag thank you ang isang tulad niya, at mas lalong hindi ko inaasahan na may pagkamahiyahin din pala siya kapag humihingi nang tawad. Malayong-malayo ang ugaling ipinapakita niya ngayon, kumpara kahapon. Nakakapanibago.

"Wala 'yon, basta next time kapag may plano kang lumabas. Isama mo ulit ako para kahit pa paano ay makapagplano ulit akong tumakas." biro ko.

Natatawa itong tumingin sakin. "Ahahah seriously?"

Ngumuso ako. "Wala naman na akong planong itago no. Tutal nasabi ko na rin naman na kay Gion."

"So, you already met him?"

"Oo, kasama ko siya kagabe, naikwento ko iyong plano kong pagtakas. Alam mo! Sa iyong tatlong nakilala ko, siya iyong pinakamatino!"

I mean matino naman silang dalawa ni Denmar, kaya lang maattitude silang dalawa.

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon