𝐄𝐏𝐈𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄

0 0 0
                                    

"Nasa teritoryo kita, Denmar! Wala kang ibang gagawin kundi ang makinig sa akin at sundan ang sinasabi ko! Ayoko nang isang babaeng iiwan ka lang din!" matigas na sabi ng Mom niya.

That was the last word i heard, bago ko mapagtanto na may isang truck na paparating sa direksyon ko. Wala akong ibang naririnig kundi ang nakakabinging busina niya. Hanggang sa tuluyan na akong masilaw, at lamunin niya. Wala akong ibang maramdaman kundi ang pagtilapon sa daan, at ang dugong dumadaloy sa katawan ko. Sa huling pagkakataon ay napatingin ako sa direksyon ni Denmar. Nakikita ko sa mukha niya kung paano matakot at tumakbo papalayo sa akin. Kinuwestiyon ang sarili kung bakit iyon ang ginawa niya habang ako ay nasa critical na kondisyon. Hindi ba ako ganon kaimportante para hindi niya ako iligtas? Nasaan na iyong kagustuhan niyang habulin ako kanina? Nasaan na iyong pagtawag niya?

Did i made the right decision to run away from you? Tama lang ang ginawa ko, diba? Dahil ngayon napatunayan kong hindi mo kayang tumakbo papunta sa akin kapag may masamang nangyari sa akin.

Sa huling pagkakataon ay ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi na ako aasang may gagawin siya. Natawa ako ng mapait nang iisang tao lang ang inaasahan kong magliligtas sa akin. Pero pinapalungkot ako nang katotohanang wala rin siya sa tabi ko.

"N-neh... E-errixie...i-i w-wish y-you w-we're here....."

Hinawakan ko ang ulo at nanginginig na tinignan ang dugong kumapit do'n. Ito na ba iyong katapusan ko? Hahaha bakit naman ganito God? Hindi mo naman ako in-inform? Bakit sa pinakamasakit na paraan mo pa babawiin ang buhay na pinahiram mo sa akin? Pwede naman sa pinakamagandang paraan, diba? P-pwede na-naman sa g-ganon, d-iba? Hindi pa ako nakakapagpaalam sa magulang ko. Hindi ko rin alam kung anong magagawa nila kapag nawalan ako ng buhay dito. Ayokong kapag namatay ako ay sisihin nila ang limang lalaking kasama ko sa mansion.

Muli kong iminulat ang mata ko, ngunit ganoon nalang ang takot ko nang makita ang isang lalaki sa harapan ko, na may hawak na baril at nakatutok ito sa akin.

"Y-you r-really w-want t-to k-kill m-me t-that mu-much, a-ah?"

Umupo ito, pero hindi pa rin inalis ang baril na nakatutok sa akin. "Kasalanan ito ng magulang mo! Kung hindi sa kanila...hindi magiging miserable ang buhay ko!"

Ano bang ginawa sa kanya ng magulang ko para maging ganito katindi ang galit niya? Wala akong kakilalang may kaaway ang magulang ko, lalo na alam ko kung gaano sila kabuting tao.

"Kaya tama lang na burahin ko sa mundong ito ang nag-iisang anak nila."

This is not actually accident! It was intentional!

"A-ano ba-bang g-ginawa s-sayo ng ma-magulang k-ko...p-para i-idamay m-mo pa a-ako!"

Pero tumawa lang siya, tawang parang nababaliw at hindi na nito matukoy sa sarili kung tama ba o mali ang ginagawa niya.

"Antagal kong hinintay ang pagkakataong ito! Mula Japan hanggang dito...humahanap ng pagkakataon kung paano ka mapatay! Nagkaroon ako ng pagkakataon na mas maaga sana kitang mapatay- kung hindi kalang bumaba ng bus no'ng araw na 'yon at sinundan ang lalaking 'yon!"

N-nandoon s-siya no'ng araw na 'yon?

"At kung hindi kalang bantay sarado ng mga lalaking nakakasama mo sa mansion!" nangigigil na sigaw niya.

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon