𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 44
Kung bibilangin ko ang mga araw, linggo, at buwan nang pananatili ko dito ay halos limang buwan na rin siguro. Hanggang ngayon tuwing naiisip ko iyong ginawa sa akin ni Errexie, tatlong buwan na ang lumipas ay nagbibigay pa rin iyon ng kilig sa akin. Tuwing tinitignan ko ang sarili sa salamin at hindi sinasadyang mahawakan ang labi ay naaalala ang pagdampi ng labi niya sa akin. Para bang hanggang ngayon ay nakakapit pa rin ang labi niya sa labi ko. Hindi ko maiwasang tumalon, kiligin at asarin ang sarili kapag naaalala ang bagay na ‘yan. Kahit minsan ay para na akong tanga kapag ginagawa ang bagay na ‘yan.
Inayos ko ang sarili bago bumaba. Kahit pa paano ay gusto kong magmukhang mabango at maganda sa paningin ng lalaking minamahal ko.
“Hihi.” napahagikhik ako nang kiligin ako sa mismong naiisip ko. “Makikita ko na naman siya.”
Ganito yata talaga ang epekto kapag in love. Lalo na sa lalaking disente.
Nang matapos akong mag-ayos ay bumaba na rin ako, ngunit nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin. Wala akong makitang Gion na minsan ay tumatambay sa sala upang magbasa. Wala akong makitang Haruki na nagluluto sa kitchen. Wala akong makitang Laurence na halos kiskisin ang bawat dumi at agiwin ang halikabok ng mansion. At higit sa lahat, hindi ko makita si Errexie.
Saan nagpunta ang mga 'yon?
Nilibot ko pa ang mansion hanggang sa labas nito upang hanapin si Auntie, pero maging siya ay hindi ko makita. Muli akong pumasok at umupo sa hapag-kainan. At binuksan ang mga nakatakip na pagkain. Napatitig na lamang ako dito ng makita ang pag-usok ng mga ‘to.
Ngayon lang yata ako nawalan ng ganang kumain. Parang ang lungkot kasing kumain kapag mag-isa kalang at walang kasama. Sa ilang buwan kong nandito ay walang araw na hindi ko sila nakakasama sa hapag-kainan. Tapos ngayon, nakakapanibago.
“Samahan na kitang kumain.” boses sa likuran ko.
Pinanuod ko itong umupo sa gilid ko.
Denmar......
Tumingin pa ako sa pinangalingan niya, nagbabakasakali na makita ang apat, pero ilang minuto nalang akong nakaabang ay wala akong napadating.
"Alam mo ba kung nasaan sila?"
"Tsh, mukha ba akong tanungan ng taong wala sa mansion!"
Ang sungit niya.
Bumalik na naman siya sa pagiging masungit niya.
Nagtatanong lang naman e.
Pinanuod ko itong ayusin ang plato sa harapan niya, maging ang pagsalin ng pagkain sa plato niya. Minsan ang lalaking ito ay gustong-gusto kumakain ng mag-isa. Nung tinanong ko siya kung bakit gustong-gusto niyang kumakain ng mag-isa? Ang rason niya...mas na-eenjoy niya daw ang pagkain kapag ganon.
Tumayo ako upang maenjoy niya ang pagkain niya, pero ganon nalang ang pag-angat ng paningin niya sa ginawa kong iyon.
"At saan ka naman pupunta?" sita niya.
"Wala akong ganang kumain, kaya babalik nalang ako sa taas."
"You are not going anywhere! Umupo ka at samahan ako."
"Ayoko nga! Bakit ko naman susundin ang utos mo?"
"Kasi sinabi ko."
"Kumain ka nang mag-isa mo diyan! Tutal nag-eenjoy ka naman kumain mag-isa, diba!"
Nagsilbing banta sa akin ang pagtayo niya.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Teen Fiction"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫