𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 34
"Nothing, Tinitignan lang kita...."
Pero hindi siya iyong tipo nang tao na 'yon! Siya iyong tipo ng taong hahalukayin lahat nang tungkol sa pagkatao ng isang tao.
"Tinitignan kung paano ka mahulog sa dalawang AKIRA." naglakad siya papuntang sala at umupo do'n na para bang pag-aari niya ang buong mansion. "Kanino nga ba?" mataray na tanong niya. "Sa illegitimate AKIRA o Sa Legitimate AKIRA?"
Ano bang ibig niyang sabihin sa illegitimate at legitimate na 'yan? Sinasabi ba niyang tunay na akira ang isa, samantalang iyong isa naman ay hindi?
"W-Wala akong alam sa sinasabi mo!"
"Come on.... Don't deny it!"
"Ayusin mo ang pakikipag-usap sa alaga ko, Gania! Hindi niya deserve ang ganyang pakikipag-usap mo sa kanya o sa madaling salita...ugali mo!" dumapo ang paningin kay Auntie nang dumaan ito sa harapan ko, bitbit ang wine at glass of wine.
Nang magkaharap sila ay parehas na tinitigan ang isa't-isa. Animong nag-uusap at iniinsulto na ang isa't-isa sa paraan ng pagkakatingin nila. Sapilitang kinuha ni Gania ang bottle of wine sa kamay ni Auntie lelita.
"Mas panget ang pag-uugali mo sakin!" nakangiti ngunit nandon ang pangigigil.
"At least ako marunong akong kumausap at makitungo sa kapwa ko ng maayos."
"Sinasabi mo bang hindi ako marunog makitungo at kumausap ng maayos sa kapwa ko?"
"Ano sa tingin mo?"
Para silang mga bata, kung magsagutan!
"Agsardong kayo! Kasla kayo ubing na agsasapa!" boses sa likuran ko. "Madi kayo mabain? Nadidigngog ni Vione atta pagtatalo yo!" ayan na naman 'yang lenggwahe ni uncle na hindi ko maintindihan.
"Apay arittuy ka?"
Kung hindi ako nagkakamali ay parang tanong 'yon.
"Kayat ko lang mapan ditoy!"
Wala po akong maintindihan.....
"Akala ko hinatid mo iyong apat sa airport?'
"Iyong binata ko iyong naghatid!"
Humarap sa akin si Auntie. "Sila ang dalawang kapatid ko, Vione! Ang panganay si Kuya latino at ang bunso naman si Gania."
Kahit na sobrang late na para sabihin ito. "Nice to meet you po."
"Siya ang ama ni Philip." tukoy kay Uncle. Hindi na ako magtataka, medyo may pagkakahawig din kasi sila. Humarap ulit siya kay Gania. "Hindi mo pa pala nakikilala ang mga anak ni Gania."
"Ay hindi sila interesadong makilala si Vione." mataray na sagot ni Gania.
Halos manlaki ang mata ko ng bigla nalang binatukan ni Auntie ang kapatid niya. "Ilugar mo 'yang pagiging mataray mo!" pagbabanta ni Auntie.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Teen Fiction"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫