𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 49
Pagkatapos ng tatlong buwan na pananatili ko sa hospital, at pag-oobserba sa akin ng mga doctor ay nakakatawang sabihin na lilisanin ko na ito.
"Aren't you coming?" nagtatakang tanong ni Mom.
Nginitian ko siya. "Go on ahead, Mom."
"Hintayin ka nalang namin sa baba ah." sabi niya, at hinila ang mga maleta ko.
Pagtango ang naisagot ko. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay inilibot ko ang paningin sa kabuohan ng kwartong pinagmalagihan ko dito sa hospital.
Ngayon...ito na ang araw na lilisanin ko ang hospital.
Pero habang inililibot ko ang paningin ay isang ala-ala ang bumalik sa akin, na dahilan ng pagngiti ko.
Napuno ako ng pagtataka nang may isang matandang pumasok ng kwarto ko. Hindi ko siya kilala kaya nagbigay nang matinding kaba sa akin ang pagpasok niya.
"Ilang buwan kana rito?"
Kailangan bang sagutin ang tanong niya?
"Matagal-tagal na rin po." pero sa huli sinagot ko rin naman.
"Ako araw-araw akong nandito! Pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong mabisita ka."
"Bakit naman po kayo mag-aabalang bisitahin ako? E hindi niyo naman ako kaano-ano."
"Siguro ay natutuwa lamang ako sa pakikinig ng musika mo, gabi-gabi." Gabi-gabi! Nakakahiya naman naririnig niya ako. Pero hindi siya mukhang natutuwa! Seryoso ang mukha niya. Siguro dahilan nalang niya ang natutuwa siya, pero ang totoo ay hindi! Ang paraan kasi ng pagkakatingin niya ay para akong nakakaisturbo!
"Pasensya na po kung nakakaisturbo ako!"
"Sabi ko, natutuwa ako."
Napayuko ako at naipagdikit ang hintuturo ko. "Mukha po kasi kayong hindi natutuwa e."
"Hahahahaha."
Naiangat ko ang ang paningin sa pagtawa niya. "Bakit po?"
"Ganoon ba ako kasama kung tumingin?"
"Opo-" at nasabi ko na nga.
"Hindi na ako magtataka, madalas naman kasi akong pagkamalan na masama kung tumingin! Kaya siguro napakarami ko ring kaaway."
Natawa na lamang ako sa sinabi niya.
"May malalim ba na dahilan kung bakit minumonitor ka ng mga doctor, dito?"
Tipid akong akong ngumiti. "Ayoko po kasing magpasurgery! Ayaw rin akong iuwi ng magulang ko...kasi baka daw may mangyaring masama sa akin, lalo na palagi silang wala sa bahay, kaya mas mabuti daw po kung dumito nalang muna daw ako." Ang totoo niya'n... gusto ko ng umuwi, tingin ko kasi kapag nagtagal pa ako dito ay lalo lamang akong manghihina, at makasagap ng ibang sakit.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Teen Fiction"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫