𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 25

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 25

Lumapit ako kay Laurence at umupo sa tabi niya. Hindi para kaawaan o husgahan siya, kundi ang samahan siya, tingin ko kasi kailangan niya ng kasama ngayon. Niyakap ko siya para kahit pa paano ay maibsan ang sakit na pinagdadaanan niya.

"Ilang beses ko na bang nasabi ito sayo? Pero alam kong magiging okay ka."

"T-thank you, Vione.... Thank you for b-being here."

"Mmm, nandito lang ako parati."

Nasa ganon kaming posisyon nang bigla nalang pumasok ang Isang matandang halos kasing edad ni Dad.

Oh? I remember her. Siya iyong matandang kasama ni Mister larry nong gabing 'yon. Anong ginagawa niya dito?

"Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot ang mga tawag ko!" sigaw niya sa harapan namin. Biglang natigilan si Laurence, dahilan ng pagtataka ko.

Sino ba ang matandang ito?

Marahang pinunasan ni Laurence ang luha. "P-pati ba naman dito guguluhin mo pa ako? How many times do I have to tell you na pabayaan mo na ako. No! Hindi ka pala nandito para sa akin! N-nandito k-ka para sa Isang ba-bagay, hindi ba?"

"Your Mom, Laurence. I wanna see your Mom..."

"P-para ano? Para p-pilitin na n-naman siyang i-ibigay sayo ang divorce paper!" sarkastiko itong natawa pero may bahid iyon ng sakit. "K-kailangan m-mo pa ba 'yon....? E k-kasal kana na-naman sa b-babaeng ipinalit mo k-kay M-mom!"

Lumapit ito kay Laurence at walang ano-anong kinwelyuhan ang anak. "Where is your Mom, Laurence." puno ng panggigigil sa salitang binitawan.

"Ah...why w-would I tell you...e diba tinanggalan mo na naman ng karapatan ang sarili mo sa kanya!" puno ng lakas tinanggal ni Laurence ang pagkakakwelyo sa kanya ng Dad niya. "Na-nanahimik na si Mom! Ka-kaya wag mo n-na siyang guluhin. Nanahimik na rin kami ni lee, kaya p-please lang...huwag m-mo na kaming guluhin at puntahan para lang ha-hanapin sa amin si M-mom." lumuluhang iniwas nito ang paningin. Laurence....gusto kitang yakapin. "B-binigyan n-naman k-kita ng t-tyansang m-makita si Mom, diba? Pero w-wala kang g-ginawa kundi ang ipagpatuloy ang ka-kasal niyo ng b-babae mo! Pinahuli mo pa nga ako sa mga bo-bodyguard mo nung a-araw na 'yon e." tumulo na nang tuluyan ang luha ko ng marinig na magcrack ang boses niya. "N-nagmakaawa a-akong pu-puntahan mo s-si Mom! P-pero h-hindi ka n-nakinig sakin... n-nagmamakaawa na k-kahit s-sandali lang t-tignan mo si M-mom! A-alam mo ba k-kung anong rason kung b-bakit p-pinuntahan k-kita sa k-kasal mo noon?" Umiiyak na dinampot ang papel sa bulsa niya. "P-para ibigay...sayo i-ito k-kasi pinapabigay ni M-mom! Pero hi-hindi ko i-ibinigay kasi gu-gusto kong pun...puntahan mo si M-mom! Huwag kang mag-alala...pinirmahan ni Mom 'yan bago sumapit ang araw nang kasal niyo."

"T-tell me w-here is your Mom, Laurence?"

Pinipigilan nitong umagulgul. "I-i....iniwan na niya kami...noong a..araw na ki-kinasal ka sa babae mo! W-wala na si Mom...wa-wala na s-si M-mom...p-patay na..na si Mom, Dad! K-kaya...please lang. Huwag mo na siyang ha-hanapin sa amin! Kasi h-hindi mo a-alam ang sakit na pi-pinagdaanan n-namin...habang i-ikaw nagsa..saya noong araw na 'yon."

Hindi ko na mapigilan ang mga luhang mag-unahang mahulog nang sandaling marinig ang mga salitang 'yon. Hindi ako ang nasa sitwasyon niya, pero hindi ko mapigilan ang hindi umiyak. Hindi pa ako nawalan ng taong minamahal pero ang mawalan yata ng isang Ina ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay.

Gusto ko siyang lapitan upang yakapin siya, pero mababawasan ba ang sakit na pinagdadaanan niya kung sakaling yakapin siya? Hindi! Dahil kung may isang tao mang may kakayahang yakapin siya? Makakapagpaupa ng mga luha niya...walang iba kundi ang Dad niya.

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon