𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 16
Lumaylay ang balikat ng makita ang lalaking nakatayo sa gilid ng bangin. "Oh ikaw lang pala....." nandoon ang pagkadismaya ng makita ang mukha niya.
"Hahahaha," malakas na tawa niya. "Kitang-kita sa mata mo ang pagkadismaya."
Sinamaan ko siya ng tingin. "E sino ba naman ang hindi madidismaya e nag-expect akong si Errexie ang kaharap ko! Tapos makikita ko ikaw lang pala..." andami ko pa namang nasabi, tapos siya lang pala ang nasa likuran ng maskarang iyon!
"Alam mo ansarap mong itulak dyan sa kinatatayuan mo ngayon."
"Go ahead."
"Alam mo hindi ako nagmumura pero 'tangina mo!'"
"Natakot ba kita?"
Eh sino bang hindi matatakot doon? E nakakatakot naman talaga ang sinabi niya! Nagpanic at natakot ako ng husto.
Umupo ito sa gilid ng bangin. "May kailangan akong sabihin sayo." Itinuro nito ang bato sa gilid niya, kaya naman lumapit ako doon at umupo. "Hindi ito ang unang pagkikita natin." paninimula niya.
Anong ibig niyang sabihing ‘hindi ito ang unang pagkikita namin’ e ngayon ko lang naman siya nakilala.
"Siguro ay hindi mo maalala dahil hindi mo naman ako nakilala sa totoong katauhan ko. I'M ERREXIE AKIRA."
"Huh? Hindi kita maintindihan?"
"That was I said when I first met you."
"Ibig mong sabihin? Ikaw ang nakilala kong Errexie? Hindi 'yong totoong Errexie ang nakilala at nakasama ko nang ilang araw?"
Tumango ito. "Pinakiusapan ako ni Errexie na magpanggap na munang siya, para kahit pa paano ay mabantayan ka habang wala siya."
"What? Bantayan ako? Ang weird naman nang Errexie na 'yan! Bakit kailangan niya pa akong ipabantay e okay naman ako at safe naman dito!"
"Siguro ay naninigurado lang."
"So, anong dahilan kung bakit ka umamin ngayon?"
"Dahil kailangan na at iniiwasan narin maging kumplikado, lalo na nakakahalata na ang mama ko at si Denmar."
"Thank you, kasi naging honest ka."
"Hindi ka ba galit sakin? Hindi ba nag-iba ang tingin mo sakin?"
"Bakit naman ako magagalit? At bakit naman mag-iiba ang tingin ko sayo? Iyong katotohanang na-enjoy kong kasama ka ay hindi nagbago ang tingin ko sayo, tsaka napag-utusan kalang naman wala ka naman ibang choice kundi sumunod sa utos, basta ang importante sakin ay naging totoo ka habang kasama ako. Totoo naman siguro iyong mga ipinakita mo sa akin diba?"
"Oo naman, wala namang dahilan para pekein 'yon."
"Pwedeng magtanong?"
"Sure."
"Ano ka sa buhay ni Errexie? Bakit sinusunod mo mga inuutos niya?"
"Does it bother you?"
"Hindi naman." nanghihinayang na sagot ko. Bakit ayaw niyang sagutin kong ano siya sa buhay ni Errexie? May tinatago kaya rin ito? "Alam mo nacucurious nako sa Errexie na 'yan! Kung anong klaseng tao siya! Which is Akala ko alam ko na noong nakilala kita bilang Errexie, pero ngayon mukhang balik na naman ako sa zero at mag-iisip na naman kung anong klaseng tao siya."

BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Genç Kurgu"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫