𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 33

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 33

Bawat madaan kong kwarto ay sinisilip ko. At nangunguna na diyan si Laurence. Nakapasok na naman ako ng kwarto niya nung una pero hindi ko pa rin talaga maiwasang hindi humanga, humanga sa sobrang linis nito. Kahanga-hanga sa lalaki ang napapanatiliing malinis ang kanyang kwarto. Lumapit ako sa side table nang mapansin ang bagay na nakapukaw ng atensyon ko. Kinuha ko ito at pinagmasdan.

"Okay lang ba kung tignan ko?" Inangat ko ang litrato.

"Sure."

Maliit na litrato na halos wallet size lang pero magkakasama silang pamilya.

"Ito iyong mama mo? Ang ganda niya." natutuwang komento ko.

May mahabang buhok ngunit hindi naman ganon kakapal, may mahahaba at makapal na pilik mata, na mas lalong bumagay sa kulay brown na mga mata niya, nakakadagdag rin sa ganda ang matangos na ilong niya, may manipis at hindi gaanong kapulang labi ngunit hindi nangangahulugang nakabawas iyon sa ganda niya. Sa totoo niyan siya ang depenisyon ng perpektong mukha ng babae sa akin. May perpektong hugis ng mukha, hindi ganoon kakapal at nipis na kilay, hindi rin naman mataba ang pangangatawan. Sakto lang ang pangangatawan niya.

"She's gorgeous, right."

Napangiti ako. "Hm, and this is your sister?"

Iniwan niya ang ginagawang pag-iimpake. "Yeah, that's lee."

"Your sister has a weird name."

"That's her second name, mas prepared ko kasing tinatawag siya sa second name niya."

"Ganun! Ikaw may second name ka rin ba?"

"Laurence is my second name...and my first name is Brix."

"Brix Laurence." sambit ko sa pangalan niya. Sa isang banda napasilip rin ako sa iniimpake niya. "Mukhang may plano yata kayong magtagal sa England?"

"Well, baka pagkatapos naming mapigilan ang kasal nung dalawa ay baka maplano naming gumala." ngayon rin kasi ang alis nila papuntang England at maiiwan naman ako dito kasama si Auntie. Kaya ganoon na rin ang kagustuhan kong puntahan sila sa mga kwarto nila, baka kasi matagalan ulit ang pagkikita naming lahat. "Ayaw mo ba talagang sumama?"

"Hihintayin ko nalang kayo dito." isinasama naman nila ako pero hindi ko maiwasang isiping...baka maging pabigat lang ako sa kanila. Imbes na iyong dalawa nalang ang iniisip nila ay baka masama pa ako sa isipin nila, kaya mas mabuti nalang kung dumito na lamang ako. Marami namang pwedeng gawin dito. Nandyan iyong paglilinis ng mansion, na madalas gawin ni Laurence. Kasama na diyan iyong paghuhugas ng plato, paglalaba at pagdidilig ng mga halaman. Iyon ay kung pagbibigyan ako ni Auntie sa mga gawaing iyan. Pahihintulutan naman siguro niya ako.

"Are you sure?"

"If you need or want something....wag kang mahihiyang hilingin iyon kay Nay ah- I mean Auntie." natawa ako. Masyado lang talaga siyang nasanay na tawagin na Nanay si Auntie.

"Sige, pero tingin ko...wala naman akong kakailanganin." nang masatisfied ako sa kakatitig ng family picture nila ay binitiwan ko na ito.

"How about pasalubong?"

Umiling ako. "Umuwi lang kayong ligtas at maayos ay okay na 'yon."

"Are you sure you don't want anything?"

"Alam niyo naman kung sino ang gusto kong ipasalubong niyo sa akin."

Tinawanan niya ako. "Gumaganyan ka na ah?" tinalikuran niya ako at bumalik sa pag-iimpake. "Pero sino ba talaga sa kanila ang gusto mong ipasalubong namin sayo? The one you like or the you love? Kailangan pa bang ipasalubong iyong isa kung nandito naman?"

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon