𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 14
Anong importanteng kinuha niya na nakasira sa relasyon nilang magkapatid?
"Vione, let's go."
Gion............
Huwag niyang sabihing narinig niya ang sinabi ng kapatid niya?
Tinalikuran ako nito at nagpaunang naglakad. "As you can see, we're not okay. Did he do something to you?"
"Wala naman siyang ginawa."
May pinagtalunan siguro kaya hindi sila okay. Hindi ko kasi alam ang pakiramdam ng may kaaway na kapatid, lalo na wala naman akong kapatid. Ewan ko sa magulang ko hindi na nila ako binigyan pa nang kapatid!
Ay Ewan......
Nang makadating kami ng sasakyan ay tahimik nitong minaneho pabalik ng ASAHI CITY. Hindi na rin niya ako kinibo mula kanina, yayain ko sana siyang maglakad-lakad sa 'academy' kanina, kaso nakita ko parang wala na siya sa mood. Kaya naisipan kong wag nalang. Kung magtanong kaya ako kung anong nangyari sa kanila...sasagutin niya kaya ako? Magagalit kaya siya kung sakaling alamin ko ang nangyari sa pagitan nila?
"Gion, Can I ask?" hindi niya ako kinibo. Ano pa nga bang inexpect ko? E expected naman na hindi niya ako sasagutin. "Is he really your brother?" hindi ito ang gusto kong itanong e.
"Hmm, younger brother."
"K-kumusta naman kayo?" my god! Vione... Obviously!? Hindi sila okay! Halos matakpan ko ang sariling mukha sa kahihiyan.
E nasagot na naman niya kanina ang tanong ko ngayon.
"Ang totoo hindi talaga kami okay, pero ang relasyon naming magkapatid noon ay maayos. He's sweet and caring. He's always the good son and I'm the rebel one in the family. Pero ngayon mukhang nabaliktad yata? Tinulungan niya akong maging mabuti habang siya naman ay naapply sa sarili ang pagkarebeldeng ugali ko. Hindi ko ng alam kung matutuwa ako sa mga nangyayari samin e. Noon, kahit wala ang magulang namin sa tabi namin ay okay naman ang samahan naming magkapatid, pero simula nung makasama namin sila, parang biglang nag-iba na lahat! Hindi naman sa sinisisi ko ang magulang namin sa nangyayari! May mga bagay lang kaming hindi napagkasunduan ng brother ko, kaya kahit na napakalaki ng bahay namin, nagiging maliit iyon sa amin tuwing nagkikita kami. Wala e, hindi maiwasan ang pagtatalo, kaya napagdesisyonan ko na din umalis do'n at napunta dito sa ASAHI CITY."
Wala akong masabe.....
Pero kanina habang kausap ko ang kapatid niya ramdam ko talaga ang kabaitan niya. Nakakaintimidate lang siya nung una ko siyang makita pero kapag kinausap kana ramdam pa rin ang kabaitang niya. Siya iyong tipong mabait na masungit.
"Alam mo may kaisa-isa akong napansin sa kapatid mo! Parang Gang. Leader siya, ano?"
"Yeah, he is...."
"Seryoso?"
Tipid siyang ngumiti. "Hmm."
My goodness.....
Pasimple akong tumingin sa kanya. E siya kaya Gangster din kaya siya?
"Kung tignan mo ako parang pinanghihinalaan mong Gangster din ako."
"Ah eh hindi no! Hindi ka naman mukhang gangster e." kahit na medyo nakakatakot siya nung una ko siyang makita sa bar.
Inihinto nito ang sasakyan ng makadating na kami sa mansion, bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Jugendliteratur"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫