𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 30

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 30

Naging malikot ang mata ko habang buhat-buhat niya ako. Hindi ako mapakali kung ano ang titignan o saan ba ako titingin. Sobrang lapit niya sa akin! Ganito rin ba ako kalapit sa kanya nung binuhat niya ako nung gabing nahimatay ako? Papangarapin ko nalang yatang tulog ako ngayon. Dahil iba ang kaba kapag ganito siya kalapit sa akin.

"Can you do me a favor?"

"H-hai..." nagugulat na sagot.

"Haha why are you so tense?"

E sino bang hindi mat-tense! E ganito ako kalapit sa kanya ngayon.

Tinakpan ko ang mukha ko. "M-masyado kang malapit sakin! Next time 'wag mo nalang akong basta binuhuhat....baka kasi matakot na ang mga germs sakin." dahilan ko, kahit na ang totoong dahilan ay kinakabahan ako.

Hindi nagtagal ay ibinababa na niya ako sa harapan ng sasakyan niya kung saan nakasilong ito, hindi nako nagdalawang isip na pumasok dito. Nang makapasok siya ay diretso ang paningin sa harapan.

"We will going to the orphan." nagugulat akong tumingin sa kanya. "Gusto ko lang bisitahin ang mga bata." dagdag pa niya.

Walang mga salitang lumabas sa bibig ko, tanging nagawa ko lamang ay magulat at manahimik nalang sa tabi. Hindi ko naman pwedeng ayawin ang sinabi niya, lalo na wala akong lakas ng loob ayawin iyon, at mga bata ang pinag-uusapan. Siguro ay go with the flow nalang ako. At oobserbahan na lamang siyang kung paano siya makisalamuha sa mga ibang bata.

Hanggang sa makita sa harapan ang malaking gate na kulay itim. Bumukas iyon na parang may sariling buhay. Pagbukas niyo'n ay bumungad sa amin ang mga naglalarong bata. Bawat tinatapunan ko nang tingin ay makikita ang saya at tuwa sa mga mata nila. Makikita talagang nag-eenjoy sila.

Nang makita nila ang sasakyan ni Errexie ay halos nagsitakbuhan sila at pumila ng dalawang linya, magkahiwalay ang lalaki at babae. Sa nakikita ko ay nadidisiplina sila ng maayos. Maayos rin ang kanilang istilo ng pananamit, para talagang naaalagaan sila ng maayos.

"The owner of this orphan, has a terrible childhood. Hindi siya related sa mga batang ito, pero ayaw niyang maranasan ng mga batang ito ang hirap na pinagdaan niya. Walang tumayong pamilya sa paglaki niya! Ipinaramdaman sa kanya kung paano lang maging malakas at walang ibang emosyon na pwedeng maramdaman! Bawal niya kasing maramdaman iyon."

Tumingin ako sa kanya. "At Ikaw 'yon?" naisambit ko.

Umiling siya. "Is not me...dahil kahit pa paano ay naramdaman ko naman ang pagmamahal, kahit pansamantala lamang!"

Kung ganoon...sino ang tinutukoy niya?

"Hindi lahat ng mga batang nandito ay walang mga magulang. Iyong iba tinuturuan ng masasamang gawain, sa madaling salita tinuturuan silang magnakaw ng kanilang magulang upang may pangsugal. May mga bata ring lumaki na halos sa kalye! Hindi nagnanakaw ngunit namamalimos. At isa sa mga batang iyon ang piniling ampunin ng magulang mo." adopted sister ko? Lumabas siya ng sasakyan, kaya ganoon din ang ginawa ko. "May nakababatang kapatid ang piniling i-adopt ng magulang mo. At sa kaso ni Harannah baka mahirapan ang mga magulang mo sa pag-ayos ng adoptions paper niya. Hindi lang iyon, dahil hindi maiwan-iwan ni Harannah ang kapatid niya, kaya minsan pinipili niyang tumakas sa magulang mo at binabalikan ang kapatid niya dito! Ang sinabi sayo ni Leon, na pagkaalis mo ng Japan ay kinuha nila ang bata sa ampunan... that's not true! Dahil kahapon lang nila nakasama si Harannah. Tinanong nila ang owner nitong orphan kung pwede nilang makasama ang bata kahit ilang araw lang at pumayag naman."

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon