𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 28
Hindi ko maiwasang ngumiti nang maamoy ko ang pamilyar na amoy na iyon mula dito sa taas. Antagal na nung huli kong maamoy ang pancake na iyon. At sa pagkakataong ito ay hindi na amoy sunog.
Nagmadali akong bumaba at nang makita si Haruki ay tumabi ako sa kanya. “Improving ah?”
“Magaling kasi iyong nagturo sakin.”
“Kuha ako ah?”
“Sure.”
Kumuha ako ng plato, slicer at tinidor. Pagkatapos ay naglagay ako ng pancake sa plato. Hinanap ng mata ko iyong syrup, nang hindi makita ay- “Nasaan iyong maple syrup?”
Ngumuso ito, dahilan upang mapatingin ako sa inginuso niya. Nakita kong hawak-hawak iyon ni Laurence na naglalagay din ng syrup sa kinakain niya. Binuhat ko iyong Plato at nakitabi kay Laurence. Hinintay ko siyang matapos sa paglalagay at nang matapos ay kinuha ko iyon at nagsimulang maglagay.
Natawa ako ng nasulyapan ko itong sarap na sarap na kumakain. “Akala ko ba? Ayaw mo ng sweets in the morning!?”
“May sinabi ba akong ganon?”
“Hm, iyon ang sinabi mo kay Auntie nung nakita mong iyon ang inihanda niya sa akin! Nakalimutan mo na ba? ‘yon din ang unang pagkikita natin!”
“How could I forget that! Pero syempre kailangan ko din kumain ng matamis kahit pa minsan-minsan lang.” sumulyap ito kay Haruki. “Ito rin ang unang beses na nakapagluto siya ng desenteng pagkain, kaya dapat lang na tikman!”
“Anong tikman pinagsasabi mo diyan! Tikim lang ba iyong kanina pa kumakain diyan na halos ubusin na lahat ng niluluto ko? Pang ilang box na itong niluluto ko ah?”
“Tsh, ‘wag ka ng magreklamo diyan! Magluto ka nalang.”
“Paano nga ako matatapos kung kada tapos ay inuubos mo!”
“Ayaw mo no’n nauubos agad!” tinanggal na nito ang paningin kay Haruki at sa akin na ibinaling. “Pero bilib din naman ako sa memory mo no? Kahit sobrang tagal na no’n ay naalala mo pa. Gusto mo bang pumunta ulit ng bar?”
Nginiwian ko siya. “Ikaw nalang...wala na akong balak pumunta do’n! Okay na iyong minsan! Minsan na napag-isipan kong tumakas!” yan lang naman ang dahilan kung bakit lang naman ako sumama sa kanya no’n e.
“Pero kung tatanungin kita ngayon? May gusto ka bang puntahan?”
“Bakit? Ipupunta mo ba ako sa Lugar na gusto kong puntahan?”
“Malay mo, diba!”
“Kung may gusto man akong puntahan...iyon ay ang beach.” inilapit ko ang bibig sa tenga niya at bumulong. “Hihi gusto kong suotin iyong two piece na binili ko.”
“What?” umiling siya. “I won't allow that?” ganon nalang ang ka hinderance niya sa sinabi ko.
“Ano ka! Kuya na pagbabawalan ako?”
“No! But I wanna act like one.” sulubong ang kilay na tumingin sakin. “Isa pa wala ka pang 18 para magsuot no’n! Kaya hindi pwede!” bakit? May required ba na edad para magsuot ng two piece? Andami kayang kahit wala pang 18 ay nagsusuot ng two piece.
“18 lang ba? Gusto mong bumili ako ng candle na number 18? Papayagan mo na ba ako no’n.”
“Edad ang pinag-uusapan natin dito, Vione!”
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Teen Fiction"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫