𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 24

2 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 24

Pumantay ito sakin. "Am I too late, Vione?"

Napakurap ako.

He's too close....pero may parte sa aking gusto siyang pagmasdan hanggang sa sabihin nito kung sino siya?

"Is it heavy?"

Wala akong masabe? Ang tanging kaya ko lang gawin ay ang titigan siya. Mapako ang paningin sa sugat na hugis X(ekis) na halos sakupin ang kaliwang parte ng mukha niya, pero kahit nasakop ng sugat na iyon ang kaliwang parte ng mukha niya ay hindi maitatangging perpekto parin ito sa paningin ko.

Hindi pa man sinasabi nito kung sino siya? Pero nagkaka ideya na ako kung sino siya. Ginalaw nito ang balikat dahilan upang lumipad iyong itim na ibon, sunod nitong tinanggal ang coat at inilagay ito sa balikat ko.

"Masyadong malamig, ayoko lang dapuan ka ng sakit."

Sa hindi maipaliwanag na dahilan? Gusto ko lang pakinggan ang boses niya at pagmasdan siya, para kasing bigla ako nitong pinakalma.

"Kaya mo bang tumayo?" mahinahong tanong nito.

Nang hindi ako sumagot ay walang alinlangan ako nitong binuhat, wala na akong nagawa kundi ang humawak sa kanya.

"Let's go home..." salitang hinaplos ang puso ko.

Nang makadating kami ng sasakyan ay kaagad namang binuksan ni Leon ang pintuan. Ipinasok niya ako sa loob at inayos ang seatbelt ko. Isinara nito ang pinto at tinawag si Leon. Nang sandaling tawagan niya ito ay biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Leon. Para itong natatakot sa kung anomang pwedeng gawin ng lalaking nasa harapan niya.

Napako ang paningin ko sa lalaking nasa harapan niya, ang kaninang maamong mukha ay biglang naging nakakatakot, bagay na hindi gugustuhing makita ng sinuman. Nag-uusap lang ang mga ito pero ramdam ko ang takot para kay Leon.

Ilang sandali pa ay natapos sila at pumasok na nang sasakyan. Iniwas ko ang paningin sa kanila, kunwari ay wala akong nakita.

**************

Nagtagpo ang paningin namin ni Leon sa rear view mirror. Seryosong-seryoso itong nakatingin sakin, kaya kaagad ko ring iniwas ang paningin.

"Nakatanggap ako ng sulat kay Denniz! Umalis na ba siya?"

"Umalis na siya sa mansion pero nasa ASAHI parin siya."

"I see, kailan ang dating ni tandang Davies?"

"Tonight."

"May alam ba siya?"

"Wala."

"Dapat lang! Dahil kapag nalaman niya ay sasabog na naman sa galit iyon!"

"Kinausap na rin kami ni Denniz tungkol diyan," muli ako nitong sinulyapan. "Hindi na ba kita ihahatid sa hall, Vione?" tanong ni Leon.

"Wag na, nawalan nako ng gana." hindi ko rin alam kung makakapagtugtog pa ako ng maayos sa kabila ng mga nakita ko! Ansakit lang isiping hindi man lang sila nag-abalang tumawag, maski sana sinabi lang nilang nandito sila? Samahan silang kumain sa labas kasama ang magiging kapatid ko! Pero maski text man lang ay wala akong natanggap sa kanila! Nakakatampo at nakakasakit ng loob. Siguro ay iisipin ko nalang na hindi nila nakita iyong missed call ko, ano? Para kahit pa paano ay gumaan-gaan ang loob ko.

Ibinaling ang paningin sa bintana at bahagyang niyuko ang ulo upang punasan ang mga luhang nagsimula na namang mamuo.

"It's heavy...it is still heavy..."

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon