𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 39
KINABUKASAN
"Thank you." naisantinig ko bago umalis si Gania.
"Hindi mo kailangang magpasalamat."
But I still want too. Kahit na dalawang gabi lang siya dito. Hindi lang dahil sa dalawang gabi siyang nanatili rito. Nagpapasalamat din ako dahil binantayan niya rin ako. Walang oras na hindi nawala sa akin ang paningin niya. Kung hindi ako nagkakamali ay tuwing nag-uusap lang kami ni Auntie lelita do'n niya lang ako iniiwan, tapos babalik din kapag wala na si Auntie. Para bang nagsasalitan sila sa pagbabantay sa akin.
Hanggang sa may narinig na kaming bumusina dahilan upang buhatin na nito ang bag niya. "Una na ako!" paalam niya. "Hindi na ako magtatagal! Wala pa naman pasensya itong sumundo sa akin, baka kapag pinaghintay ko ay bigla nalang akong iwan!"
"Hatid na kita."
Pagtango ang isinagot niya. Walang nagsalita sa pagitan naming dalawa basta sinamahan ko lamang siyang maglakad patungo sa labas ng gate.
Nang makadating kami sa gate ay may naghihintay na itim na sasakyan do'n. Bumaling si Gania sa akin at tinapunan ako ng ngiti. Binitawan nito ang bag at hinaplos ang magkabilang pisngi ko. "Kaya mo pa naman, hindi ba?"
"Hmm."
"Tawagin mo ako kapag pakiramdam mo ay hindi mo na kaya, okay..." binitawan ako nito at may kung anong kinuha sa bag. Natawa nalang ako ng makita ang bagay na iyon. "You look pale." sinimulan nitong pahiran ang labi ko. At nang matapos ay kinuha nito ang kamay ko at inilagay doon ang lipstick.
"Huwag kang mag-alala...kaya ko pa! Kakayanin ko pa." dahilan upang yakapin niya ako. "Salamat dito ah..." tukoy ko sa lipstick. I will forever treasure it.
Hanggang sa makita kong bumukas ang bintana ng sasakyan. "Ilang oras pa kaming maghihintay sayo dito?" nauubusang pasensyang sabi ng nasa passenger seat. "May flight pa ako ngayon!" bumaling ito sa nagd-drive. "Paandarin mo na, Tay! At iiwan na natin si Nanay!"
Alanganin ang tawa nung matanda. "Honey, sumakay kana at baka tuluyang maubos ang pasensya nitong anak mo."
Humiwalay sa akin si Gania. "Akala ko itong anak mo lang ang susundo sa akin! Bakit pati ikaw ay kasama?" marahang nitong kinurot ang pisngi ko bago tuluyang maglakad papasok ng sasakyan. "Take care of yourself, Vione." tipid ang ngiti ng iiwas ang paningin sa akin.
"Dalawang gabi kitang hindi nakatabi! Hindi mo alam kung gaano kalungkot ang gabing hindi kita kasama." Emosyonal na saad nung- kung hindi ako nagkakamali ay asawa siya ni Gania.
"Bakit ako ba hindi!" sagot ni Gania na ikinatawa ko ng husto.
"Honey....."
Binuksan ni Denniz ang pinto sa passenger seat. "Dito ka na at magtataxi nalang ako papunta sa airport!" makikita sa mukha niya hindi siya komportable sa naririnig niya. "miss na miss niyo ang isa't-isa e, no! O kaya iwan niyo nalang ang mga maleta ko dito at ako nalang mag-isang pupunta sa airport! Huwag niyo akong alaanin kaya ko na ang sarili ko! Mag hotel na muna kayo at sulitin ang mga oras na hindi niyo nakasama ang isa't-isa!" inilabas nito ang wallet at kumuha ng pera do'n. "Siguro naman ay sapat na 'yan, ano?" Ang galante namang magbigay ng pera nito. Ang kapal ng dinukot sa wallet e.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Teen Fiction"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫