𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 42
Nang makadating kami ng beach house ay kaagad akong bumaba ng sasakyan at tumakbo papuntang dagat, at ang unang-una kong ginawa ay ang tinikman ito. Pero ganon nalang ang pagluwa ko nang malasahan ito. Ang alat!
"What the hell are you doing?"
Naletse na!
"Hehehe wala." Sinumpong lang talaga ako ng pagkaweirdo ngayon.
"Wala? Nakita kitang tinitikman ang tubig dagat."
Oooppps.
Tumayo ako at dahan-dahang naglakad. "Nakita mo naman pala e, bakit mo pa tinatanong."
"Nanigurado lang." Hanggang sa masabayan na ako nito sa paglalakad. "Is it maalat?"
Lumabas ang mga ngipin ko sa tuwa. "Mmm." sinuri ko ang kabuohan nang beach house na ito. "Pribado rin ba ang lugar na ito?"
"Hm." Umupo ito sa dalampasigan. At tinanggal ang maskara. "Ang nagmamay-ari talaga nito ay ang Mama ko. Ang AKIRA, ASAHI at AKAASHI CITY. Pero simula ng mawala siya sa buhay namin ay kami na ang naging tagapangalaga ng mga lugar na pag-aari niya." tinabihan ko siya.
"Mahirap bang akuin ang responsibilidad na naiwan niya? I mean...she left you at the young age, pero nagawa mo paring tumayo mag-isa."
"Mahirap, pero imbes na isipin ang hirap...mas gugustuhin kong mapalago ang mga lugar na naiwan niya at pagandahin ang mga ito."
"Hindi na rin ako magtataka! Ikaw ang may salarin kung bakit ang mahal ng ticket papunta at pabalik ng lugar na ito."
"Hahaha."
Habang pinagmamasdan siyang tumawa ay pumasok sa akin ang isang katanungan. "Kamukha mo siguro ang Mama mo no?"
"Nah, mas kamukha ko daw ang Dad ko." tipid siyang ngumiti. "Yan ang sabi ng family ko sa father side. Actually, mas close din ako sa kanila. While Denniz... Mas close siya sa side nang mother namin. Mga AKIRA. Mas nakuha niya rin ang mukha ng Mama namin." pumikit ito at unti-unting dinama ang pagdampi ng tubig dagat sa paa niya. "Kaya ganoon ko na rin kagustong nakikita ang kapatid ko, dahil nakikita ko sa kanya ang mukha ng Mama namin." halos lumukso ang puso ng bigla na lamang nito iminulat ang mata at napansin niya akong nakatingin sa kanya. "Pero ngayon, mukhang...mukha ng iba ang gusto kong natititigan at nakikita."
"Ah?" at iniwas ang paningin. Sa paraan ng pagtingin ay nahuhulaan ko ang ibig niyang sabihin.
"Don't pretend that you didn't know! It was you, Vione."
Sa pagkakaalam ko madaldal akong tao pero ngayon...hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nakakapipe ang mga salitang binibitawan niya.
Tumayo na ito. "Let's go inside. Doon nalang natin sila hintayin." Akma na akong tatayo nang bigla nitong inilahad ang kamay niya. Ang tanging nagawa ko lamang ay ang iabot sa kanya ang kamay ko.
"Bakit parang tayo lang ang tao dito?" Kanina ko pa kasi napapansin na walang taong nag-aassist sa amin, walang ka tao-tao talaga! Maliban nalang sa aming dalawa.
"What do you expect from a lonely like me? Of course there's no someone here! Cause most of people are afraid of me."
Nanguna na akong maglakad sa kanya papasok ng bahay, panandaliang huminto sa harapan niya at ginantihan siya ng ngiti. "You are a type of scary person, pero kapag nakilala na nang husto ay hindi naman pala! Gentle din naman pala..." takot sila kasi hindi nila kilala ang totoong pagkatao ng isang Errexie Akira. tinalikuran ko na siya at nagmadali ng pumasok.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Teen Fiction"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫