𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 17

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 17

Nang makapasok sa kwarto ay naligo narin ako at nagbihis, pagkatapos ay humiga na sa kama.

Andaming nangyari ngayong hindi ko inaasahan. Akala ko... nakita at nakilala ko na siya! Iyon pala? Hindi pa, lalo niya lang binubuhay ang interes kong makilala siya, kung tutuosin andaming beses na pinagkamalan kong siya iyong tatlong nakilala ko na ngayon.

Simula sa Japan. Akala ko siya ang Errexie na kaharap ko, iyon pala ay si Denmar. Pangalawa naman iyong lalake sa fountain, pero nalaman ko ring si Haruki iyon. Pangatlo 'yong lalaking pinagmamasdan ako nung unang gabi ko dito, tapos hindi rin nagtagal nalaman kong siya si Gion. Pero totoo kayang siya iyong lalaking kausap ni Auntie...nung sandaling pinagmamasdan ko ang lalaking nasa harapan ko no'n?

Imposibleng siya iyon, dahil ngayon lang nalaman kong nasa kulungan parin siya at kasalukuyang nililitis.

Paasa ka naman e....nag-expect akong makikilala kita agad, pero hindi ko naman akalain na hindi kita makikilala kaagad. Sabihin mo sakin? Kailan kita makikita? Kapag malapit na akong umalis dito! Iyon ba?

Wag naman sanang umabot doon.

Natigil ako sa pag-iisip at napabangon sa kama ng may marinig na parang nabangga. Kinuha ang coat at isinuot iyon. Binuksan ang sliding door at lumabas ng balcony. Pinagmasdan ang paligid pero wala naman akong makita. "Guni-guni ko lang siguro iyon! Napasobra lang siguro ako sa kakaisip."

Pumasok—

"Ahh." Boses ng lalaking sumigaw, kaya sa pagkakataong ito ay nagmadali na akong bumaba, nang makita siya ay halos mapatakbo ako sa kagustuhang masalo siya, ngunit nabigo, nasa labas palang siya ay bumagsak na.

Habang papalapit ay kinakabahan ako. "Tama ba itong gagawin ko? Paano kung sa sandaling hawakan ko siya ay ipagtabuyan ako! Tulad ng ginawa niya nung gabing makita siyang lasing." humugot ako ng hininga. "Ah bahala na."

Nagtangka akong hawakan siya ngunit ganon nalang ang pag-iwas niya.

"Kaya ko." sinubukan nitong tumayo pero bumagsak din ito.

Nagtangka ulit akong hawakan siya pero ganon nalang kasama ang tingin niya ng makitang nakahawak nako sa kanya.

"A-ang s-sabi ko...ka-kaya k-ko."

"Bakit hindi mo nalang tanggapin ang tulong ko! Tingin mo tutulungan ba kita kung nakita kong okay ka ah, na kaya mo! Hindi! Tanggapin mo nalang kasi ang tulong ko, Okay!"

"K-kaya ko...wa-wag mo nakong p-pahirapan."

"Ikaw lang naman nagpapahirap sa sarili mo e."

"H-hindi ko na ka-kaya, masakit na...ma-masyado ng masakit."

Hindi ko alam ang isasagot ko, kaya niyakap ko nalang siya, inalo nang marinig ang mahina ngunit masakit na hikbi niya. Sobrang sakit nga siguro ng pinagdadaanan niya.

"Ssshhhh, you'll be fine, magiging okay at maayos din ang lahat."

Hindi ko man alam ang totoong pinagdadaanan mo, pero palagi mong tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo. Kapag handa ka nang magkwento makikinig ako. Ito lang yata ang maiioffer ko sayo, thank you ah, kahit na may pinagdadaanan ka, hindi mo parin ako nakalimutan, iyong mga pagkain na ipinadala mo kanina kay Leon ay inubos ko 'yon.

Humiwalay ako sa pagkakayakap, bahagyang nangiti nang makitang natutulog na siya. "Mukhang nadagdagan ang mga sugat mo ah, sobrang maga din nang mata mo. Ano bang ginawa mo? Bakit nagkaganito ka?"

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon