𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 11
"Ha...ru...ki....." sigaw ko mula sa 2nd floor.
Paano ba naman kasi umagang-umaga naamoy ko na naman ang nasunog na pancake. Paniguradong iniwan na naman nito ang niluluto at malamang nag-aalab na ang apoy nito ngayon.
Kahit na hirap na hirap ako sa pagbuhat ng pitsel na naglalaman ng tubig ay minadali ko nang bumaba.
Pagkababa ay ibinuhos ko ang tubig sa nag-aalab na kalan. Bakit kaya ito ang pinagdidiskitahan niya? Bakit hindi iyong dirty kitchen, e mas okay kayang magluto do'n no, kesa dito sa loob!
"Bakit mo pinatay?"
Anong bakit ko pinatay!
"Nag-aalab na ang niluluto mo! Konting-konti nalang masusunog na ang kisame."
"But, I was cooking, Vione."
"Cooking? Cooking ba ang tawag do'n? Kasi ah! Kapag nagluluto dapat binabantayan mo. Hindi iyong isasalang mo tapos iiwan mo! At isa pa, dapat mahina lang ang apoy para kahit pa paano ay iwas sunog."
Ngumuso siya at tinalikuran ako, may kung anong kinuha sa table. "Do you want some?" Alok niya sa nakatray ng makabalik siya sa harapan ko.
Nang tignan ko iyon, wala paring nagbago! Kagaya parin ito ng mga nauna ko nang nakain na pancake.
Pero hindi naman siguro masama kung tikman ko diba? Kaya kumuha ako ng isa at tinikman iyon. Lasang sunog pa rin talaga.
"Alam mo! Mr. Pancake, wala parin nagbago sa lasa ng pancake mo! Lasang sunog parin..." nakita kong lumungkot ang mukha niya. "Pero pwede pa naman maimprove ito. May naka packs ka parin ba na pancake dyan? Samahan kitang magluto para kahit pa paano ay iwas sunog at maiwasan ang lasang sunog.."
"Wala na..."
Tingin ko kailangan kong ituro iyong isang recipe na madalas kong niluluto tuwing nagugutom ako.
"How about flour?"
"Meron dito..." naglakad ito papuntang kabinet at may kinuhang flour do'n.
"Kakailanganin ko nang... Flour, banana, egg, sugar and water.."
"What are you trying to cook?"
"Maruya."
Inihapag niya sa harapan ko ang lahat ng hiningi ko. Pagkatapos ay pinaghalo-halo ko lang iyon sa isang bowl. "Haruki, paki slice ng mga banana." pagkatapos niyang i-slice ay isinama ko na ito sa bowl.
Binigay niya sa akin ang butter na ginagamit niya kanina. "Mangingitim ang lulutuin natin kapag ‘yan ang ginamit ko."
"What are you gonna use then?"
"Mantika."
"Ikaw ba ay talagang marunong magluto?"
"Well, medyo marunong naman." dahil nung magsimula ako, talagang nasusunog ang niluluto ko.
Pumunta kami ng dirty kitchen, at sinindihan ang stove. Nilagay ang pan at nang uminit ito ay naglagay narin ako ng mantika. Naghintay pa ako ng ilang segundo, nang magbubbles na ito ay sinimulan ko na ang paglalagay.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Teen Fiction"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫