𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 26

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 26

"Pinalipad ko lang siya kanina sa lighthouse tapos hindi na niya ako binalikan."

Panandaliang tumingin sa labas si Denniz. "Baka nanghuhuli lang ng isda 'yon. O baka nasa palengke at bumibili...alam mo namang isda ang paborito no'n."

Ibon ba talaga ang pinag-uusapan nila? Kasi napaka imposible namang marunong bumili ng isda ang Isang ibon! Pwera nalang kung.....naturuan siyang bumili!

Sabagay hindi naman siguro imposible 'yon ano? Kasi noong kausapin ko iyong itim na ibon na 'yon ay parang sumasagot talaga siya. Teka....binabantayan niya ba talaga ako nung araw na 'yon? Inutusan ba siya ni Errexie na bantayan ako? Posible ba ‘yon para sa Isang ibon?

"Pero hindi ko siya binigyan ng pera!" frustrated na sabi ni Errexie.

"Oh? Edi nanghuhuli siya."

Napailing nalang ako sa dalawang 'to. Talagang nag-abala pa silang pag-usapan ang ibon. Gaano ba ka importante ang ibon na 'yon?

"Kumusta ang pinapabili ko sayo?"

"Pinaasikaso ko na lahat! Maya-maya lang nandito na 'yon!"

"Are you sure? Darating si Tanda ngayong Gabi, kaya kailangan ko kaagad ang mga 'yon!"

"Tsk, Wala kabang tiwala sakin? Tsaka wag mong masyadong alaanin ang mga 'yon! Ang dapat na alaanin mo ay ang bahay mo! Sobrang gulo e." naglakad ito papunta sa sala, umupo at ipinikit ang mga mata.

"Wala ka na naman bang tulog?" nag-aalalang tanong sa kapatid.

"24 hours akong gising, Errexie! Hindi ako nakakatulog tuwing may napapatay ako!"

Napalunok ako sa sinabi niyang iyon. Talaga bang pumatay siya? Tumingin ako kay Errexie pero parang normal lang sa kanya ang marinig ang mga salitang iyon. Inalis ko ang paningin sa kanya at ibinaling kay Denniz. Nang gumalaw ito ay hindi ko maiwasang umatras.

"Ilayo mo dito ang babaeng kasama mo!"

"Why?"

"Ramdam ko ang takot niya sakin." sinabi niya 'yon habang nakapikit!

Nagulat ako ng lumapit sa akin si Errexie. "Huwag kang matakot! Hindi naman siya pumapatay ng basta lang! Lalo na ang mga inosente." mukhang hindi naman marunong magsinungaling si Errexie.

Imbes na sundin ang utos ng kapatid ay sinamahan niya nalang ako. Pero kahit anong gusto kong iiwas ang paningin kay Denniz ay hindi ko maiwas. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Inilapit ko ang bibig sa tenga ni Errexie. "Natutulog ba siya niya'n?"

"No, may inaayos lang 'yan sa isip niya."

Nang imulat nito ang mga mata ay dumapo ang paningin sa kabuohan ng mansion. Dinampot ang cellphone at parang nagtype do'n. Nang matapos ay ibinulsa na niya ang cellphone. "linisin na natin ang bahay mo!" sumang-ayon naman itong katabi ko. "Tawagin mo nga si Drix at pababain." utos niya sa kuya niya.

Walang reklamong kinuha ni Errexie ang cellphone at may tinawagan do'n. "Bumaba ka dito!" at ibinababa na niya ang phone.

Ilang saglit pa ay bumaba na iyong batang nagsasalita ng french.

"Quel?" Ayan na naman po siya.

Matamaan nitong tinignan ni Denniz. "Pouvez-vous accompagner cette femme à l'extérieur." hindi ko man maintindihan pero parang Ayoko ng sinabi niya.

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon