𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 27
Hindi ko na alam kung anong isasagot ko? Pagkatapos niyang sabihin iyon. Bakit ko ba piniling itanong iyon kung hindi ko naman kayang panindigan at sagutin pabalik ang mga katanungan na sinagot niya. Parang anumang oras ay gugustuhin ko na lamang maglaho sa harapan niya.
Kung nakakalusaw man ang pagtitig niya ngayon...sana nalusaw nalang ako! Gusto kong tumakas, tumakbo papalayo sa kanya, pero makakahinga ba ako ng maluwang kapag pinili kong gawin ang mga bagay na ito?
Anong kailangan kong sabihin upang mawala ang paningin niya sakin? Kailangan niya ba ng kasagutan sa mga inamin niya? O baka naman tinitignan niya lang kung anong naging reaksyon ko!
“I-it-” ako na ang nag-iwas ng tingin. “It doesn't bother me at all.” naisantinig ko.
“Iyong niluluto mo nagsisimula ng masunog!” sabat ni Denniz, naibalik ko ang paningin sa kanila, sa pagkakataong ito si Denniz na ang nakatingin sakin, samantalang siya ay inaasikaso na niya ang niluluto niya at wala na akong iba pang salitang narinig sa kanya. Hanggang sa ibinalik narin ni Denniz ang paningin sa ginagawa.
Parang naging normal ang daloy ng lahat! Parang walang nangyaring tanungan sa pagitan namin ni Errexie. Sa akin? Hindi naman gaanong ka big deal iyon, tinanong ko siya at sinagot niya ang mga katanungan ko ay sapat na sa akin, dahil ang gusto ko lang naman ay ang kasagutan! Bagay na binigay niya.
Hanggang sa inilapag ni Denniz ang mga takoyaki sa harapan namin ni Drix. Kumuha siya ng Isa at itinapat iyon sa bunganga ng kuya niya. Hindi naman ito nagdalawang isip at isinubo na niya iyon.
“H-hot.” sagot niya habang pilit na pinapalamig ang kinakain niya sa bibig niya.
“Tsh, alam mo namang bagong luto e.” pagkatapos sabihin iyon ay lumapit siya kay Drix at sinubuan din. “Ano masarap?” tanong sa nakababatang kapatid.
“The best!”
Kahit na nasabi sa akin ni Drix na hindi sila madalas nagkakasama pero iyong bond nila na magkakapatid ay nandon pa rin! Ansarap lang nilang pagmasdan.
Ganito ba ang may kapatid? Ewan ko pero..parang danas ko ang pag-iisa habang pinagmamasdan sila. Never kong naranasan na may kapatid, kasi nag-iisa lang ako! Never ko pang naranasan ang ganitong bond. Mararanasan ko pa kaya?
Do I able to meet and create a bond with my adopted sister?
Pero nang sandaling iyon ay natigil ako sa pag-iisip nang itapat sa akin ang takoyaki na nakaipit sa chopsticks. Kukunin ko na sana iyon nang iilag ni Denniz ‘yon.
“Ayaw mong subuan kita.”
Kahit nahihiya man ay ngumanga ako at sunod niyang ginawa ay isubo iyon sa bibig ko. “Hindi na kita tatanungin kung masarap! Dahil alam ko naman na masarap ang pagkakaluto niya’n.” habang nginunguya iyon ay hindi ko maitatangging nasarapan ako sa iniluto niya. “Una nako.” paalam nito kay Errexie.
“Kailan ulit kita makikita?”
“Hindi ko alam! Wala naman kasing kasiguraduhan kung kailan mo ulit ako makikita!”
Nakisunod ako sa kanila nang lumabas sila at pinanuod si Denniz na sumakay sa truck kasama si lily. Ngayon ko nalang ulit nakita si lily pero hindi man lang kami nakapag-usap. Hindi naman niya siguro ako iniiwasan... No?
Muling tumingin sa amin si Denniz. “Sige, tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka!”
“Hmm, take care.”
“Hindi ba kayo ganoon kadalas magkita?” naitanong ko kay Errexie.
“Once a year.”
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Teen Fiction"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫