𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 12
Kinuha ang papel at tinignan ito. Kailan ba ang competition?
"Next week na pala ito Auntie e, tingin mo! May tyansa akong manalo dito kung sakaling sumali ako? Bukas kapag nakita ko si lily, magpapatulong akong magpalista sa kanya."
Ngumuso ako nang hindi man lang niya ako kibuin. "Alam mo auntie, nakakapanibago ang pagiging tahimik mo! wala ka man lang bang ikukuwento dyan? Maski iyong kwento nalang ni Cinderella." biro ko pa.
Pero halos hindi nako mapakali ng hindi man lang siya ngumiti, siguro dahil iyon sa ibinulong ko sa kanya, nakatingin lang ito ng seryoso sakin, para bang inuobserbahan ako.
"Iyong totoo, Vione! Ilang buwan ang pananatili mo dito?"
Nawala ang ngiti ko at napabuntong hininga nalang. "Anim na buwan lang Auntie, pero alam nung Lima na isang taon ako dito! Gusto ko habang nandito ako sa 'ASAHI CITY' ay bumuo ng masasayang ala-ala, ala-alang babaunin ko pabalik ng Japan. Kapag bumalik nako nang Japan hindi mo na ako makikita ."
"Ah talaga? Edi hiramin ko iyong Eroplano ni Errexie para mabisita kita do'n."
"Talaga lang auntie ah? Saan pala si lily? Hanggang ngayon kasi hindi ko parin siya nakikita, nagday-off ba?" pag-iiba ko ng usapan.
"Ayon, tulog parin hanggang ngayon."
"Ansarap kasama ng anak mong iyon, Auntie! Magaan siyang kausap."
"Parang ako lang no! Bukod dito sa ubas wala kana ba talagang gustong kainin?"
Umiling ako.
"Oh sige, maiwan na kita dito."
Pinanuod siyang lumabas ng kwarto at nang makalabas na siya ng tuluyan ay muling ibinaling ang paningin sa papel na hawak ko.
Ano nalang sasabihin ng magulang ko, kapag nalaman nilang sumali ako dito?
Pumasok ako sa loob at kinuha ang violin, tinanggal ito sa lalagyan at dahan-dahang hinaplos.
"Do I still able to play you?"
Masyado narin kasing matagal nung huli ko siyang ginamit, mahigit isang taon na rin tapos nung huli pa akong tumugtog ay iba pa ginamit ko.
Kapag sumali ulit ako sa competition, magagamit ulit kita, siguro iyon narin ang kahuli-hulihang matutugtog kita. Okay lang ba na kapag bumalik ako ng Japan ay iwan na kita dito? May mga makakasama ka namang instrumento dito at siguroradong magiging masaya ka dito!
Kahit para na akong baliw dito ay pinagpatuloy ko parin ang pakikipag-usap sa kanya, siguro epekto na rin nang pag-iisa ko. Wala akong makausap sa lima e, lahat sila may kanya-kanyang ginagawa.
Binitawan ang violin at ipinasok muli sa lalagyan, pagkatapos ay humiga sa kama at ipinikit ang mga mata.
Ilang araw palang ako dito pero nabuburyo nako. Akala ko bang maraming islang pwedeng pasyalan dito! Pero bakit ni isa wala pa akong napupuntahan at nakikita? Psh, gusto ko nalang isiping scam si Dad e, masyado niya akong napaniwala na marami daw Isla dito. E ang totoo ko lang naman pagpunta dito ay ang makalanghap ng sariwang hangin at ngayon nakakalanghap naman ako...and thanks to my parents. Grabe fresh na fresh talaga ang hangin dito.. "woooh.." sigaw ko at dahan-dahang iminulat ang mata pero ganon nalang ang gulat ko nang makita ang tao sa tabi ng pintuan, hinila ang comforter at itinaklob iyon sa sarili ko. Napapikit sa kahihiyang nagawa.
"Okay lang naman sumigaw... Ako lang ang nakakarinig sayo dito." naramdaman ko itong umupo sa tabi ko. "Hey, Vione! I'm sorry, sorry kung nakita mo kami ni Laurence na ganon. Iyon yata ang Isang pangyayaring hindi namin maiiwasan."
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Novela Juvenil"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫