𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐎

1 1 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐎

"Who are you?" pag-uulit ko sa tanong ko, pero kahit ano yatang ulit ko sa tanong ay imposibleng sagutin ako nito.

"Alam mo bang gumastos ako ng mahigit tatlong milyon! Nang dahil sayo!" Ibang- iba ang ugaling pinapakta niya, kumpara kanina.

"And I guess. I wasted a lot of money, tsh," singhal niya.

Hindi ko inaasahang bibigyan niya ako ng ganitong ekspresyon. Iyong dismayadong tingin na parang wala akong kwenta at hindi na niya gugustuhin pang makita.

"Now. I know, kung bakit hindi siya ang sumundo sayo. Dahil magsasayang lang siya ng oras sayo! Alam mo kung bakit ako pumayag na sunduin ka?" ngumisi siya. "I thought you are beautiful..."

Pumayag lang siya kasi ang akala niya maganda ako? Maganda naman ako ah, pero mukhang hindi siya nagandahan sakin.

"Tsh, you are not even pretty. What a waste."

Ganito ba talaga siya? Ito na ba iyong ugali niya?

Humigpit ang pagkakahawak sa laylayan ng bistida ko. Pinagmasdan ang nagtataasang mga gusali. Hanggang sa makita ang sariling repleksyon sa bintana ng sasakyang ito.

Kung kanina masaya akong suot-suot itong kulay pulang bistidang ito. Pero ngayon, hindi na'ko natutuwa. Gusto ko lang naman maging maganda sa paningin ng ibang tao. Pero hindi pala lahat ng tao ay magagandahan sayo. Gusto ko lang naman maging maayos sa paningin ng iba, pero hindi pala lahat ay bibigyan ka nang magandang komplemento.

Hindi lahat ng tao ay maaappreciate ang kagandahang meron ka! Imbes na bibigyan ka ng magandang komplemento ay ibababa kapa. Hindi ko maintindihan kung bakit sinundo niya pa ako. E nakita na naman niya ako kanina. Pwede naman siyang umatras at mang-utos nalang ng ibang susundo sa akin.

Hindi iyong ganito na marami pa akong maririnig na hindi magandang salitang lumalabas sa bibig niya.

Hindi ko alam ang isasagot sa kanya, kaya naman naiyuko nalang ang ulo. Siya na yata ang kauna-unahang lalaking nakilala ko na masyadong masakit kong magsalita. Iyong tipong walang pakialam sa mararamdamanng mga taong napagsalitaan niya ng masama.

"Sa totoo lang kilala ako ng magulang mo." kilala siya ng magulang ko! Pero bakit hindi nila sinabi sa akin? "Si Errexie ang inaasahan nilang susundo sayo." natawa siya, nagpandikwatrong upo at ipinatong doon ang Isang kamay at nagpangalumbaba. Nag-iwas ako ng tingin nang tumitig ito sakin. "Alam mo bang ang hirap kunin ang tiwala ng magulang mo! Kailangan ko pa silang makausap ng masinsinan para lang makuha ang tiwalang iyon. Kung sabagay, hindi ka naman talaga nila ipinagkatiwala sa akin. Dahil una palang ipinagkatiwala ka na nila kay Errexie. Pero ano nga naman magagawa ko! E busy iyong tao. Kaya hindi ka masundo. Tsh, bakit ko ba sinasabi sayo lahat ng ito!" singhal na naman niya.

Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ng lalaking ito! May mga oras na harsh siya kong magsalita. May oras din na mabait siya! Ay Ewan.

Hanggang sa huminto na ang sasakyan, kasabay niyo'n ang pagtunog ng hindi pamilyar na tunog ng cellphone. Hindi iyon kasintunog nung akin, kaya masasabi kong hindi iyon sakin.

Kinuha nito ang cellphone at pasimpleng tumingin sakin bago sagutin. "Hello Tita? Nasa tabi ko siya." hindi pa man nito sinasabi kong sino ang kausap ay parang nahuhulaan ko na. "Yeah, kadarating lang namin. Gusto mo ba siyang kausapin?" pindot nito ang speaker upang lumakas iyon at tumabi sa akin.

"No need na, hijo! Baka maiyak lang ako kapag makausap ko pa siya." Too late Mom. I'll already heard you. Akma na itong lalayo sakin ng bigla nalang ulit magsalita si Mommy. "By the way, Denmar." wala itong nagawa kundi umupo nalang ulit sa tabi ko. "Take care of my daughter, okay..."

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon