𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑

Hindi narin daw kasi nakakatulong sakin ang pagtugtog nang Violin, pero kung ako ang tatanungin mas gusto ko parin pagpatuloy ang pagtugtog nito.

Kahit sabihin pa nilang hindi na ito nakakatulong.

"Nakikipag-compete kasi ako no'n, kaya medyo may alam ako sa paggamit nito."

"I see."

"Sayo 'to diba? So, alam mo lahat tugtugin ang mga instrumentong nandito?"

"Not at all. Iilan lang ang alam kong tugtugin, wala naman akong interes sa mga instrumento at ayokong pag-aralan pero dahil napabilang ako sa mayamang pamilya dapat may alam kang tugtugin maski Isa o dalawang instrumento lang, kaya ayon maski ayoko ay pinag-aralan ko na din."

"Pero nagustuhan mo naman siya diba?"

"Hmm, wala naman akong choice kundi magustuhan ang musika." Inakay ako nito papalabas. "Heto ang kwarto ni laurence," turo niya sa kwartong katapat lang ng music room.

Binuksan nito ang pintuan, bumungad sa akin ang kulay asul na kwarto, lahat ng kagamitan ay asul. Maliban do'n sa mga bolang nakahilera malapit sa kama niya. May mga troffy din na katabi do'n sa mga bola niya.

"He likes to play sports, lalo na ang soccer...and also he likes foreign girl. Don't worry hindi katulad mo Ang tipo niya, kaya safe ka! Sa mga British lang siya laging interesado."

Grabe naman itong makapagsalita parang walang panlaban ang beauty ko sa mga nabanggit niya. Sabagay, siya na rin ang nagsabi 'Im not even pretty.'

Tsaka grabe naman itong Laurence na'to, kung hindi ako nagkakamali siya iyong nabanggit niyang sumaglit ng kwarto ko. Impiyernes ang linis ng kwarto niya, actually, buong mansion naman ay malinis, kumikinang pa nga sa sobrang linis e. Siguro madaming maid ang naglilinis dito?

"Siya nga pala, bakit wala akong makitang mga tao dito?"

I mean, bukod sa kanya ay wala pa akong nakikita?

"Hindi ko pa ba nasabi sayo kanina? Si Auntie lelita lang ang kasama namin dito. Pumupunta lang siya dito para magluto, at kapag wala kami siya ang nagbabantay ng mansion. Limang lalaki kaming nakatira dito!"

"L-limang lalaki?" nanlalaki ang matang tanong ko. "Ang ibig mong sabihin...n-nag-iisa lang akong babaeng kasama ninyo dito n-ngayon?"

"Yeah."

Sumulyap ako sa labas, pilit na inaaninag ang gate pero hindi ko ito makita. Parang gusto kong tumakbo at bumalik nalang sa Japan ngayon. Bakit hindi ko ito nalaman kaagad! Kung mas maaga ko lang sanang nalaman, edi sana hindi nako sumama sa kanya.

"Pwede bang ibalik mo nako sa Japan ngayon?"

"Why?"

"Kasi...." nag-isip ako ng idadahilan pero mukhang pati isip ko ay walang mahanap na tamang salitang idadahilan.

"Takot ka kasi puro kami lalake dito? Kung ngayon palang 'yan na ang iniisip mo! Ay tigilan mo na, dahil wala kaming interes sa Isang tulad mo. Hindi Isang tulad mo ang matitipuhan ko!"

Tinalikuran ako nito at sinimulan na naman ang maglakad pababa. Nakamot ko ang ulo, medyo harsh siya ano! Tinamaan yata ako doon sa sinabi niyang 'Hindi ang isang tulad ko ang matitipuhan niya.' Edi kung hindi ay hindi! Masyado akong maganda para sa Isang tulad niya.

"This is my room." Itinuro ang kwartong katabi niya. "And that's haruki's room." tinuro pa ang Isang kwarto pero hindi na niya ito binuksan. Hindi tulad ng ginagawa niya kanina. Napansin ko lang parang bigla nalang siyang nawalan ng ganang ituro lahat ng kwarto at kung anong nilalaman ng kwartong iyon.

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon