𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐎𝐍𝐄
Kasalukuyan akong nakikinig sa magulang ko ngayon na halos magtalo na mula kanina pa. Pinagtatalunan nila kung saan ako mananatili pansamantala.
Pwede naman akong manatili kung saan. Basta bigyan lang sana nila ako ng perang panggastos at ako na ang bahala sa matitirahan ko o buhay ko. Hindi ‘yong kailangan pa nilang pagtalunan sa mismong harapan ko.
Siguro hindi lang iyong titirahan ko ang pinagtatalunan nila, kundi pati narin ang lalaking nakatayo sa gilid ng pinto.
Simula kaninang pumasok ako sa office ni Dad, nandon na siya, nakatayo pawang walang nakikita o naririnig. Kahit yata sabihan ko ng masasakit na salita itong lalaking ito ay wala lang sa kanya.
"Sinasabi mo sa akin na siya ang magbabantay sa anak natin?"
"Oo. Mapagkakatiwalaan naman 'yang batang yan.""Really huh?" tumayo si Dad at nilapitan siya. Sinuri niya ito pero ganon nalang ang pagkadismaya ng makita ang kabuohan nung lalaki. Hindi man kumibo si Dad, pero makikita talaga sa mukha niya na hindi nagustuhan ang porma nung lalake. "Ipagkakatiwala mo ang anak natin sa lalaking ito? E mukha palang hindi na mapagkakatiwalaan, mukhang basagulero pa ang binatang ito! Ay hindi lang pala basagulero ex-"
"Alam mo, Honey! Hindi naman masamang tao si Errexie. Sa katunayan-" nilapitan ito ni Mommy at iniyakap ang kamay sa braso niya. Halos matawa ako sa naging reaksyon ni Dad sa ginawa ni Mommy. "Napakabait na bata nito."
"Mabait? But he's an ex-convict!" halos manlaki ang mata ko sa narinig ko. Hindi ako makapaniwalang ex-convict siya, kasi wala naman sa itsura.
"Kaya nga ex-convict it means nakalabas na siya ng kulungan, at sigurado naman na hindi na siya babalik pa ng kulungan."
"At sa tingin mo maniniwala ako? Tignan mo nga 'yang binatang yan?" tinignan naman siya ni Mommy at sinuri, pero ganon nalang yata talaga ang pagkagusto sa kanya ni Mommy. Sa sobrang pagkagusto sa kanya nito halos hindi na maalis ang napakagandang ngiti sa labi.
"He's handsome, Honey."
"Pero hindi sapat ang kagwapuhan lang honey."
"I know, pero kasi... Mabait talaga siya. Sa katunayan galing siya sa mabuting pamilya."
"Kung ganon, bakit siya nakulong?"
"Isang beses lang po akong nakulong pero hindi ibig sabihin no'n ay masama na akong tao. Nakulong ako dahil nasangkot lang ako sa maliit na gulo."
"I want to trust you. But how? How can I trust you, hijo?"
"I don't know, Sir."
"Kung ibibigay ko sayo ang anak ko. Nakakasigurado ba akong iingatan mo siya? Tulad ng pag-iingat na ginagawa namin sa kanya?"
"Sa pagkakaalam ko! Babantayan ko lang ang anak niyo at disisiplinahin." ngumisi siya at bahagya akong sinulyapan. "Hindi ko akalaing ibibigay ninyo sa akin ang anak niyo ng buong-buo."
"That's what you called trust. Ipagkakatiwala ko sayo ang anak ko, pero siguraduhin mong babantayan mo siya ng mabuti."
"I will, Sir."
Halos magsalubong ang kilay ko sa salitang binitawan ng lalaking ito. Kanina lang ayaw sa kanya ni Dad, pero ilang salita lang ang sinabi? Bigla niyang nabago ang isip ni Dad, na talaga namang ikinagulat ko.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Teen Fiction"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫