𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 47

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 47

Isang linggo na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising si Errexie. Minsan gusto ko ng komprontahin si Denniz at tanungin sa kanya kung ano na ang kalagayan ng kuya niya. Ano na ang totoong kalagayan niya. Pero minsan ay napapangunahan ako ng takot, baka kasi may makuha akong hindi magandang sagot.

Nanatili ako sa bahay ni Denniz sa buong linggo. Minsan nakakasama ang mga batang magkulitan. Ang totoo niya'n sa buong linggong nandito ako ay sila ang dahilan ng pagtawa ko kahit pa paano. Dahil kung iisipin ko ang kalagayan ni Errexie ay malulugmok lamang ako sa lungkot. Pumupunta din ang apat dito kaso hindi naman sila nagtatagal. Kung magtagal man ay tumatagal ng dalawang oras.

"What are you doing here?"

"Ninanamnam ko lang ang lamig ng hangin dito at tinatanaw na rin ang magandang view mula dito."

Umupo ito sa tabi ko at binitawan ang black coffee sa tabi niya. "You love the view from here ah? Just like Errexie."

"Mahilig rin ba siyang pumunta dito?"

"Hmm, when I'm around."

"Kailan siya magigising?" tuluyan ko ng naitanong.

Tinitigan ako nito. "Nag-aalala ka pa rin ba sa kanya hanggang ngayon?"

"Hindi mo naman ako masisisi..."

Bumuntong hininga siya. "Ang totoo? Wala rin akong kasiguraduhan! Minsan kasi kapag natatapos siya sa deadly month...umaabot talaga ng dalawa o tatlong buwan ang tulog niya!" Deadly month? "Ayoko sanang sabihin ito sayo pero kailangan para kahit pa paano ay magka-ideya ka. In our family...minsan sa isang taon, may isang buwan na dumadaan kami sa isang nakakamatay na proseso. Sa Isang buwan na ‘yon ay may isang araw kaming pahihirapan sa kagubatan, na pamilya rin namin ang may kagagawan." natakip ko ang bibig sa narinig ko. Hindi makapaniwala sa sinasabi niya. Humigop ito ng kape. "Ang pamilya namin ay hindi normal na pamilya. Para maging malakas ay kailangan dumaan sa nakakamatay na proseso. Kung anoman ang nakita mong mga pasa, scar, at cuts sa katawan ni Errexie ay pamilya din namin ang may kagagawan do'n. Nagbabayad sila ng mga taong gagawa sa amin lahat ng kasamaan." Paano nila maatim gawin iyon sa miyembro ng pamilya nila? I mean...kahit na hindi normal ang isang pamilya, dapat hindi nila ginagawa ang bagay na 'yon! Paano kung ikamatay pa ng isa sa kanila. Edi ang panget naman tignan kung ipagluluksa pa nila.

"Hindi 'yong mga taong criminal ang may kagagawan ng mga sugat at pasa niya?"

Umiling siya. "Hindi! Pero hindi maitatangging dumaan siya sa torture, na kalaban namin ang may kagagawan."

"Wala na bang ibang paraan para magising siya kaagad?"

"Wala! Wala tayong ibang gagawin kundi ang hintayin ang paggising niya."

"But i can't stay longer here! Ilang linggo nalang ay babalik nako ng Japan."

"Ang totoo niya'n...bumalik ang magulang mo sa ‘ASAHI’"bakit? "Gusto ka na nilang isama pabalik ng Japan." Bakit parang biglaan naman yata?  "Masyado na rin silang nag-aalala sa kapakanan mo."

"Pero ayokong umalis ng hindi nagigising si Errexie!"

"Naiintindihan ko naman na gusto mo pang makitang gumising si Errexie, pero sino ba naman ako para pigilan ang kagustuhan ng magulang mo na isama ka na nila!"

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon