𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 21

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 21

"Ano ba kasing pumasok sa isip mo at bakit ka naligo sa ulan kagabe!?" ginising ako ng nanenermong boses na 'yon.

Dahan-dahang iminulat ang mata at panandalian siyang pinagmasdan, binabanlaw nito bimpo sa palanganang may tubig.

Nahihirapan man ay sinubukan kong maupo ngunit binibigo ako ng sariling lakas ko, nanghihina ako tapos nilalamig pa.

"Sinong nagdala sa akin dito?" kasi sa pagkakatanda ko ay hinimatay ako bago pa makadating ng mansion. Nilamon ako ng emosyon ko kaya hindi ko na nakayanan at nahimatay ako.

After nitong banlawan ay nilagay na naman niya ang bimpo sa noo ko. Ibinaling nito ang paningin sa sofa, sinundan ko naman ng tingin ang tinitignan niya. Napako do'n ang paningin ko.

Marahang napapikit ng maamoy ang pamilyar na pabango. That cardigan has the same scent with that man.....the man used to talk to me last night.

"Iyong may-ari ng cardigan na ‘yan." naimulat ang mata. "Ang nagbuhat sayo papasok ng mansion-" bumakas ang magandang ngiti niya. "Walang iba kundi si Errexie."

Eh???

Nako si Auntie nagbibiro na naman.

"Huwag mo nga akong biruin diyan, Auntie! Binibiro mo na naman ako! Isa pa hindi narin naman ako umaasang makikita ko pa siya."

"Totoo, buhat-buhat ka niya kagabing wala kang malay."

"N-nandito na talaga siya?"

"Mmm."

Hindi kaya? Siya iyong lalaking kumausap sakin kagabing pinupulot ko ang panyo at naglagay ng mainit na tela sa likuran ko? Ngayon! Pinagsisisihan kong hindi ko siya binalingan. bakit parang napaka wrong timing naman yata ng pagkikita namin?

Nakita niya ako... samantalang siya? Hindi ko man lang siya nagawang sulyapan.

Inalis ang paningin doon sa cardigan at ibinaling nalang ang paningin sa nakabukas na bintana. Napapikit ng maalala ang nangyari kagabi. Kung hindi ko pa nakita 'yon hindi ako magiging aware sa nararamdaman ko, kung gaano na kalalim ito! Bakit parang napaka bilis naman yata? Kailan lang nung una kaming magkita tapos magiging ganito pa ang kinalalabasan? Hindi maaring lumalim pa ang nararamdaman ko sa kanya.

"May dinaramdam ka ba?"

Naimulat ang mga mata. "Wala lang ito, Auntie, huhupa rin ito, baka bukas wala narin ito. Salamat sa pag-aalaga at pag-aalala mo sakin."

"Basta kapag may problema ka o dinaramdam, maari mo akong kwentuhan ah? Nandirito lang ako parati."

"Thank you, Auntie..."

Hindi siya si Mommy pero simula nang manirahan ako rito ay palagi niya akong inaasikaso bagay na ipinagpapasalamat ko. Napakaswerte ni Lily na may Mama siyang mahalaanin. Biruin mo ang dami niyang inaasikaso sa mansyong ito tapos dumagdag pa ako.

"O maiwan na kita ah? Tawagin mo nalang ako diyan sa telepono kapag may kailangan ka? Huwag kana mo nang lumabas, baka lumala pa ‘yang lagnat mo."

Tinanguan ko siya at pinanuod na lumabas. Wala rin naman akong balak lumabas ngayon. Dito lang ako sa kwarto at maghapong tutulala. Sana nga lang walang Denmar na papasok ng kwarto ko ngayon. Kahit ngayon lang sana.

Napatingin ako sa pinto ng marinig na bumukas iyon. Kasasabi ko palang e, at iniluwa niyo'n si Haruki. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Ibinalik ang paningin sa mga mata niya ng makitang namamaga iyon. Isa lang naman ang dahilan kung bakit nagkaganyan 'yan! Marahil ay dinamdam nang husto ang nangyari sa kanila ni Cavanna.

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon