𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 36
Gamit ang dagger na hawak niya ay hiniwa nito ang damit na suot niya sa bandang laylayan. Lumapit ito sa akin at ganoon nalang ang pagtanggi ko nang kinuha niya ang paa ko.
Maybe...I'm still in shock and afraid! Natatakot ako baka isa rin ako sa bawiin niya ng buhay.
After kong muntik ng magahasa tapos makakakita ako ng ganoong scenario ay parang dumadaloy ang kilabot sa buong kalamnan ko. Nakaka trauma!
"I won't hurt you..." weird man pero parang kumalma ang kung anomang nandito sa loob ko.
At nang tinangka niya ulit kuhanin ang paa ko ay ipinaubaya ko na ito sa kanya. Nandon ang ingat sa paraan ng pagtali niya.
"Bakit mo hiniwa ang sarili mo?" hindi ko maiwasang itanong. Panandalian siyang natigilan pero nagpatuloy din naman sa ginagawa.
"Para bumalik sa katinuan o kaya naman para gisingin ang sarili."
"You're bleeding too much!"
Tumayo ito. "Don't worry about me! I'll be fine. Sanay na ang katawan ko sa ganito."
Wala siyang natamong kaisa-isang galos sa mga kaaway niya. At kung may isa man ay iyon ay ang pagsugat sa sarili niya.
"Worry about yourself!" naglakad siya papalapit doon sa kapatid ni Gion at kunot no'ng pinagmasdan ito. Siya ba ang tinutukoy nilang leader ng White Dragon? "Why this guy saved you? Bakit hindi iyong lalaking kasama mo sa mansion ang nagligtas sayo dito?"
"E kasi wala sila..." umangat ang paningin niya. "Pumunta sila ng England para pigilan ang kasal ni Denmar at Cavanna."
"Denmar!" Ayon na naman ang salubong na kilay niya. "Lahat sila pumunta? Wala man lang bang naiwan ni isa?"
"Wala."
"Hindi ba sila nag-iisip na pwede kang mapahamak! Which is nangyari na nga."
"Kasalanan ko naman kung bakit ako kinidnap ng mga lalaking 'yon! Lumabas ako kasi akala ko si Gania na ang nagdodoorbell pero hindi pala."
"Hindi mo kasalanan! Kasalanan nila kasi hindi nila inisip na pwede kang mapahamak! Obligasyon nilang bantayan ka kasi iyon ang hinabilin sa kanila! Kahit man lang sana nagpaiwan ang isa sa kanila!" mababasa sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang narinig mula sa akin.
"Ako ang may kagustuhan kung bakit sila nasa England ngayon. G-gusto kong pigilan nila an-"
"Kahit na kagustuhan mo ang maalis sa sitwasyong kinakaharap niya ay dapat naging responsable pa rin sila!" naiyuko ko nalang ang ulo. Katakot pala itong kausap ipipilit niya ang gusto niya. "Kaya mo bang tumayo?" naiangat ko ang paningin.
"Kaya naman."
"Pwede mo ba siyang alalayan at papasanin ko siya."
Kahit ramdam ko ang hapdi at sakit sa mga natamong galos at sugat ay pinilit kong tumayo upang tulungan siyang alalayan ang kapatid ni Gion. Lumayo ako sa kanya nang matapos tulungan siya.
"Masyado ba akong nakakatakot sa paningin mo, kaya ganyan nalang ang layo mo sa akin? It's fine...sanay na naman akong naiintimidate sa akin ang mga tao! Natatakot sa ganoong ginawa ko."
BINABASA MO ANG
𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄
Novela Juvenil"𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬." -𝐒𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐨𝐧𝐞 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐳𝐚𝐫