𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 40

0 0 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 40

"Vione......"

Nang marealize kung ano ang inaakto ko ay parang gusto ko nalang tumakbo at umuwi ng mansion nang hindi ako sumasakay sa van, na kasama sila.

Nang maramdaman kong hawak-hawak pa ako ni Denmar ay ako na ang kusang humila ng kamay ko. May pagbabanta na huwag na niya akong subukang hawakan pa.

Huminto si Errexie at sinalubong ako ng walang emosyon na maskara. "What do you want?"

"Vione-" tinig ni Denmar sa likuran ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang sandaling iyon, marahil ay sa sobrang kabang nadarama.

"T-thank you..." hindi ito ang gusto kong sabihin. Kahit ako hindi ito ang gusto kong marinig sa sarili ko.

"Okay..." sagot niya at tuluyan na akong tinalikuran. "By the way, i can't go home with you all, dadaan ako sa hospital at bibisitahan ang pinsan ni Gion." tumingin siya kay Gion. "Nandoon ba ang magulang niya?" Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ayokong marinig at tanggapin ang sinasabi niya ngayon.

"T-hey're always b-been there, dude." alanganin ang sagot niya habang tinitignan ako.

Hanggang sa namalayan ko nalang na may humila sa akin at inakay na ako papasok ng van. "Okay, let's go." tipid ang ngiti ngunit mababakas ang pagkaseryoso sa mga mata niya.

Laurence......

Pinaupo niya ako sa pinakadulo at tinabihan ako. "I'm going to sleep, Vione! Don't wake me." tsaka niya isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

Naibaling ko nalang ang paningin sa labas. Kahit ramdam ko ang presensya ni Denmar ay hindi ko na sinubukang tumingin pa sa kanya. Maybe i just don't know what to say. Ayokong may asahan siya sa akin! Na pinanghahawakan ko ang mga salitang iniwan niya. Ayoko kong ipaniwala sa kanya na may nararamdaman ako sa kanya. Ayokong umasa siya, kahit na wala na siyang aasahan sa akin.

"Pinag-isipan mo ba ng mabuti iyong mga sinabi ko sayo?" nakapikit na bulong ni laurence. Walang oras na hindi ko inisip ang mga sinabi niya sa akin. Maging ang sinabi sa akin ni Errexie ay ginulo ako.

"Akala ko bang matutulog ka?" pero nang imulat ang mata nito ay pagkindat ang natanggap ko sa kanya.

"I was just kidding..."

Pinitik ko ang ilong niya sa sinabi niyang iyon.

"Ouch! Mapanakit ka na, Vione ah?"

"Ginawa mo ang bagay na ito sa isang dahilan no?" Bulong ko, kasi iyon ang sinasabi ng pagngisi at pagkindat niya kanina.

"You got me." muli nitong ipinikit ang mga mata. "kung hindi ko ginawa ang bagay na 'yon kanina ay baka maipit ka sa kanilang dalawa. As your kuya...not by blood.. ayoko pa rin makitang naiipit ka sa isang sitwasyon."

"Thank you..."

"It's Errexie, right?"

"Wala e, binihag ako ng mga tingin niya..." nahihiyang pag-amin ko.

Nagulat nalang ako nang ialis na nito ang ulo sa balikat ko at ulo ko naman ang inilagay niya sa balikat niya. "Close your eyes and rest a bit. Hindi kita masisisi! Dahil kahit sino naman ay talagang may nabibihag ang mga mata niya. Kahit nga siguro ako kapag naging babae e magkakagusto rin ako sa kanya." natignan ko siya sa sinabi niyang iyon. "Pag naging babae lang ah, kaso lalake ako ngayon at babae ang gusto ko." pagbawi sa sinabi niya.

𝐀𝐊𝐈𝐑𝐀'𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐋𝐎𝐕𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon