Sixty Five

9 0 0
                                    


I thought when Sir Leandro said na gusto akong maging executive assistant ni Breydon, mangyayari na kaagad 'yon bukas.

Pero mali pala ako, kailangan ko pang mag-hintay ng halos isang buwan para mangyari 'yon.

Damn. Akala ko makikita ko na ulit si Breydon.

But it's only been three weeks, dalawang linggo pa ang kailangan kong tiisin.

[I'm still not sure when you'll be arriving here. Come on, tell me, baby.]

Ayoko talaga sabihin kay Breydon ang date kung kailan ako pupunta sa Manila. I want to surprise him kasi.

"Malapit na, baby." sagot ko habang nakatingin sa kanya.

He's busy cooking right now, samantalang ako ay naka-higa na dito sa kama ko. Supposedly, naka-higa na din 'yan, pero late kasi siyang umuwi kaya ngayon pa lang siya kakain ng dinner. Nag-over time kasi siya sa work.

Oh, see? Kapag talaga wala siyang executive assistant, walang nag-aalaga sa kanya, argh.

[Give me the exact date, please? So that I can fetch you.] tumingin siya sa cellphone niya.

"Ba-byahe na nga lang ako, Breydon." I answered. Ayoko na bumyahe pa siya papunta dito para lang sunduin ako, wala na siyang pahinga no'n.

[Baby.] he pouted his lips, [Why are you so stubborn?]

Natawa ako ng mahina, "Basta, hintayin mo na lang ako diyan." ngumiti ako.

Nasabi ko na kila Mama ang plano ko. Magta-trabaho ulit ako sa Manila, tapos titira na ulit ako sa bahay ni Breydon. Pumayag naman sila sa plano ko, basta daw palagi akong bumisita dito.

Malapit na din pala ang senior highschool graduation ni Allen, papasok na din siya sa college that's why tinanong ko siya kung saan niya gustong mag-aral ng college. I suggested na sa Manila na dahil madaming magagandang universities doon, lalo na't law ang gusto niyang pag-aralan.

Ang gusto niya pa ngang piliin ay ang mga universities na mababa lang ang tuition fee, ayaw niya talaga na gumastos ako ng malaki, pero sinabi ko sa kanya na sa De La Salle University na siya pumasok, may Bachelor of Science in Legal Management kasi doon.

When I asked Breydon kasi, he suggested na sa De La Salle University na daw, doon daw kasi pumasok si Bentley.

Hay. Lawyer nga pala si Bentley. I almost forgot.

[Baby! Are you sleeping?]

Napatingin ako kay Breydon.

"Hindi pa, baby." sagot ko sa kanya.

[I'm gonna eat now, look, this is my hard work.] ipinakita niya pa talaga sa akin ang niluto niya.

Beef steak na naman. Hindi ba siya nagsasawa diyan?

"Eat well, baby." sagot ko sa kanya.

Dahil ayaw niya pang i-end ang call, habang kumakain siya ay nag-uusap pa din kami. Inaantok na talaga ako, pero tinitiis ko lang dahil gusto ko din naman kausapin si Breydon. Miss na miss ko na talaga siya, argh.

"Good night, baby. Mag-pahinga ka ng maayos, ha?"

Sa wakas, tapos na din siyang kumain. Matutulog na kami ngayon.

[Yes, baby. Good night, give me my kiss.] ngumuso siya sa camera.

Natawa ako, "Hmm." ngumuso din ako sa camera.

Argh. I already missed his hugs and kisses! Gustong-gusto ko na talagang pumunta sa Manila!

[I hope it's real, damn.] he groaned, [Good night, baby. I love you.] tumitig siya sa akin.

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon