Fifty Two

173 8 0
                                    

Dahil praning ako, I decided na umuwi na. Pinilit pa nga ako nila Sandra na mag-stay pa dahil sobrang aga pa daw, pero hindi na ako nakinig. Gusto ko na talaga umuwi. Sa tingin ko ay si Bentley talaga 'yon. Masyadong malinaw ang mukha niya ng makita ko siya kanina.

Kaya naman eto ako ngayon at hinihintay si Papa sa labas ng club. Nag-pasundo na ako sa kanya.

Matapos ang ilang minutong pag-hihintay, nakita ko na agad ang sasakyan niya kaya naman lumapit kaagad ako dito.

"Uminom po ako ng kaunti, Pa." paalam ko agad pag-upo ko ng passenger's seat.

"Nalasing ka ba?" tanong niya habang pinapaandar ang sasakyan.

"Hindi po." sagot ko sa kanya.

Dinaldal ko lang si Papa habang nasa byahe kami. Nang makarating na kami sa bahay, tulog na sila Mama at Allen. It's almost 11 p.m. na din kasi.

"Matutulog na po ako, Pa. Good night." yumakap ako sa kanya.

Matapos kong mag-paalam, umakyat na kaagad ako sa kwarto ko.

At pag-akyat na pag-akyat ko dito, nakaramdam na naman ako ng lungkot.

Shit.

Kahit limang buwan na ang nakakalipas. Naalala ko pa din si Breydon. Bawat minuto, bawat oras, palagi siyang pumapasok sa isip ko.

Napabuntong-hininga ako bago pumasok sa bathroom. Matapos kong mag-linis ng katawan, dumeretso na kaagad ako sa kama ko at syempre, ginawa ko na naman ang hobby ko. Stalking my handsome ex-boyfriend, Breydon D'Louvières.

Wala siyang panibagong story, 'yung kanina pa din. Kaya naman tinignan ko ang feed niya.

Oh. May bago pala siyang post.

"Shit. Napaka-pogi talaga." bulong ko habang nakatitig sa mukha niya. Mukhang nasa beach nga siya. Ang post niya kasi ay nasa dagat, naka-tayo siya sa harap nito at nakatingin sa camera.

Damn. Kahit gabi na, sobrang gwapo mo pa din, mahal ko.

Walang caption ang post niya, emoji lang ng seashell. Tinignan ko ang mga comments.

hekalid_: this mf is soul searching atm

ychimy: Tag the photographer please?

xxian: ganda no'ng buwan

whoputhoneyonabentley: Sad boy era :(

Natawa ako dahil sa username ni Bentley. Nakakainis, kahit sa Instagram ang kulit-kulit.

vimaia.stafford: So gorgeous ♥️

Kumirot kaagad ang dibdib ko ng mabasa ang comment ni Vimaia.

Akala ko talaga noon.. kasal na sila.

Hindi ba't ayon naman talaga ang plano? Ang ikasal silang dalawa.

Kaya noon, akala ko talaga kinasal na silang dalawa.

Pero hanggang ngayon, wala pa din akong nababalitaan na ikinasal sila Breydon at Vimaia.

Hindi ba natuloy ang kasal nila?

Napabuntong-hininga ako.

Hay nako, matutulog na nga lang ako kaysa isipin 'yon.

Tinitigan ko ulit ang mukha ni Breydon. "Miss na miss na miss na talaga kita, baby." nag-tubig na naman ang mga mata ko kasabay ng pag-bigat ng dibdib ko.

"Good night," ngumiti ako ng malungkot, "I love you."

••

"Ate! Ate! Gising!"

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon