Forty Seven

168 4 0
                                    

'Will you escape with me?'

When Breydon asked me that question, hindi kaagad ako nakasagot.

Actually, wala akong maisagot.

Kaya hanggang ngayon, kahit umalis na si Vimaia, nakatitig pa din ako kay Breydon.

Hindi ko talaga alam ang isasagot.

Mahal ko si Breydon. Mahal na mahal ko siya.

Pero...

'Shit. Ano'ng gagawin ko?!'

"Baby, please speak." hinawakan ni Breydon ang kamay ko.

Naka-upo kami dito sa sofa. Hindi ko nga alam kung paano kami nakarating dito. Sobrang occupied talaga ng utak ko.

"Breydon." sa wakas, may lumabas na salita sa bibig ko.

"Paano ang pamilya ko?"

Sila kaagad ang naisip ko. Sila Mama, Papa at Allen.

"Hindi ako pwedeng tumigil sa pagta-trabaho, Breydon. Ako ang bumubuhay sa pamilya ko—"

"Of course, baby. I won't stop you from working." hinaplos niya ang kamay ko, "You can still work at Dawnlens."

I can still work? "Kanino ako magta-trabaho? Ikaw ang boss ko." nangunot ang noo ko.

If he's resigning, then.. sino na ang bagong CEO?

Hindi kaagad siya naka-sagot sa akin.

"I stated I was resigning. But I am very certain that he will not let me." umiwas siya ng tingin, "You can return to your previous position. Graphic designer, am I right?"

Graphic designer?

"Breydon." umiling ako, "Huwag ka ng mag-resign, please?" humigpit ang hawak ko sa kamay niya.

"Gusto kitang makasama sa trabaho."

Seryoso ako. Ayokong mag-resign siya.

Baka naman pwede pang maayos 'yung problema nila?

"Sinabi mo ba sa pamilya mo na hindi ka magpapakasal kay Vimaia—"

"Andrea, I fucking shouted it. Naturally, though, they'll act as though I said nothing at all a while back."

Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi niya.

Grabe. Anong pamilya 'yan? May pagmamahalan pa ba sa kanila?

"At the moment, it's my sole plan." tumitig siya sa akin, "Andrea, I'm so over them. I'm done putting up with this crap." umiling siya ng umiling.

"I now have savings of my own. I own a car, a lot of land, and many houses. Baby, I already have everything I need."

Napalunok ako dahil sa sinabi niya.

Or course, mayroon na siyang kotse, bahay, at.. lupa?

"May lupa ka?" gulat kong tanong sa kanya. "Saan?"

He slightly smiled at me, "Next to your strawberry farm."

Tuluyan ng nanlaki ang mga mata ko.

"S-Seryoso ka ba? Tinotoo mo 'yung sinabi mo?" gulat na gulat na tanong ko sa kanya.

What the heck? Binili niya talaga 'yung lupa na 'yon?! Sobrang lawak no'n, ah?!

"Yeah." he nodded his head, "In addition, I own a home and land in Forbes Park, and in France."

France?!

Napalunok ako. "A-Ang yaman mo talaga." bulong ko.

Grabe. Napakadami niyang bahay?! Hobby niya ba ang magpatayo ng bahay?

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon