"Look at this side, please."
"Yes.. how beautiful."
"You're so pretty."
Kahit sobrang uncomfortable ako ngayon dahil ang daming nakatingin sa akin, ginawa ko pa din ang best ko at nag-pose lang ng nag-pose sa harap ng camera.
May photoshoot kasi ako ngayon, for Dawnlens new campaign. Hindi ba't kinuha na nila akong model, kaya ayan, nagta-trabaho na ako ngayon bilang model nila.
"Alright, wardrobe change."
Sa wakas, tapos na ang second photoshoot.
"You're so gorgeous, Miss La delle. I am so speechless." paglapit ko kay Breydon, ayan kaagad ang sinabi niya.
Ano ba 'yan, bakit niya ako cino-compliment? Baka makahalata sa'min 'yung mga tao, eh.
"Andrea, change outfit na tayo." may lumapit sa akin na staff. Tumango naman ako at kaagad na dumeretso sa loob ng dressing room.
Of course, nakasunod na naman sa akin si Breydon. Hindi talaga kami mahahalata nito, hinding-hindi talaga.
"That's too revealing?"
"Sir." I slightly glared at him.
Bakit ba may side comments siya?
"D-Do you want to change the outfit, sir?" kabadong tanong no'ng babae sa kanya.
Halos lahat ata ng tao dito ay intimidated kay Breydon. Malamang naman dahil CEO namin siya. Parang isang maling galaw, pwede ka na agad mawalan ng trabaho.
"Do we have another option?" tanong sa kanya ni Breydon.
Ang OA naman nito, hindi naman masyadong revealing 'yung dress, ah? Kita lang naman 'yung cleavage at puson.
"Y-Yes, sir." kaagad na ipinakita no'ng babae kay Breydon 'yung mga damit.
Hay nako, "Sir, ayos na po ito." hinawakan ko ang dress na ipinakita sa akin kanina.
Pipili pa siya diyan, pare-pareho lang naman 'yung mga dress.
"That's too reveali—"
"Hindi naman po." I slightly glared at him again. Sana naman mapansin niya 'yung mga tingin ko.
"Last outfit na 'to, hayaan niyo na po." dagdag ko pa.
Saglit siyang tumingin sa akin. And then maya-maya, he sighed, "Fine." he answered.
Dahil pumayag na si Breydon sa outfit na 'to, kaagad na akong nag-palit ng damit. At tama nga ang boyfriend ko, masyado nga itong revealing. Kitang-kita ang cleavage, puson at legs ko dito.
"Oh, God." kaagad na napa-iwas ng tingin si Breydon. "She's so beautiful. Help me, Lord." rinig kong bulong niya that's why natawa ako.
"Tara na po." saad ko bago lumabas ng dressing room.
Pag-lapit ko doon sa gitna, kaagad na nag-simula ang third photoshoot, at gaya kanina, ginawa ko lang ang best ko at nag-pose lang ng nag-pose dito.
"And.. done! Thank you so much, Andrea! You're so gorgeous!"
Sa wakas.
Tapos na din ang photoshoot!
"Thank you." ngumiti ako at nag-bow sa kanila.
Pag-balik ko sa dressing room, nag-palit na ulit ako ng dress. 'Yung pang-office naman dahil may trabaho pa din ako mamaya.
"Thank you, everyone. Good job." nag-paalam na si Breydon sa kanila.
BINABASA MO ANG
Young Boss
RomanceBreydon D'Louvières, a driven and ambitious young CEO, finds himself in charge of his father's prominent corporation. Tasked with navigating the complex world of business, he meets Andrea La Delle, a committed employee who works under his supervisio...