Twenty Three

214 12 0
                                    

"Breydon naman, huwag ka ng magalit."

Simula ng pumasok kami sa kwarto, hindi niya na ako pinansin. Humiga na nga siya sa kama tapos tinalikuran na ako.

"You did not tell me that you had already met that asshole. You even gave him your number and fucking dated him."

"Isang beses lang naman 'yon." hinawakan ko ang braso niya, "Saka hindi naman date 'yon, Breydon. Lunch lang 'yon para sa'kin."

Nakakainis naman kasi si Bryce, eh! Bwiset talaga siya. Akala mo naman talaga date 'yon?!

"What date did that fucking happen on? Where did you have dinner? What topics have you two discussed?" hindi pa din siya nakatingin sa akin.

"S-Sa H's restaurant, tapos nag-usap lang kami about sa trabaho ko, gano'n." mahina kong sagot sa kanya.

"Why is it a date for him?" humarap na siya sa akin. Naka-sandal ako sa headboard ng kama kaya gumaya na din siya sa akin.

"Hindi ko alam sa kanya." sagot ko, "Wala naman akong pake sa date na 'yon, Breydon." hinawakan ko ang kamay niya.

"Huwag ka ng magalit, hmm?" itinaas ko ang kamay niya at hinalikan ng marahan ang likod nito.

Napatitig siya sa akin dahil sa ginawa ko.

"How can I even get mad at you?" napabuntong-hininga siya, "You're too beautiful, too soft, too lovely." siya naman ang humalik sa kamay ko.

Napangiti ako, "Huwag mo na lang isipin ang sinabi niya, okay? Hindi na ulit mangyayari 'yon." I leaned closer to him and gently hugged his waist.

"Ikaw ang boyfriend ko, Breydon. Sa'yo lang ako makikipag-date." seryoso kong saad habang naka-yakap sa kanya.

Naramdaman ko ang pag-ngiti niya. Dahan-dahan niyang hinalikan ang buhok ko, "As you should, Miss La delle." niyakap niya ng mahigpit ang bewang ko.

"I should be upset more often, when I do, you're being clingy."

Ano naman 'yon?

"Gusto mo ba na maging clingy ako?" tumingin ako sa mukha niya.

"Fuck, yeah." ngumiti siya, "Hold my hand, hug me, kiss me, I don't mind, baby." hinalikan niya ang ilong ko.

"You can do that to me, mon bébé."

Napangiwi ako. Sobrang touchy naman no'n.

"Okay." sagot ko sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan ng mabagal ang mapupula niyang labi.

Kaagad niyang sinagot ang mabagal kong halik. Siniil niya ng madiin ang pang-ibabang labi ko at ginaya ko naman 'yon, siniil ko din ang pang-itaas niyang labi.

Habang nagha-halikan kami, ramdam na ramdam ko ang kamay niya na humahagod sa likod ko. Para niya akong pinapakalma sa pamamagitan ng halik niya, ng haplos niya.

Hinayaan ko siya ng ihiga niya ako sa kama, nasa ibabaw ko na siya ngayon, nagawa niya 'yon habang hinahalikan ako.

Matapos niyang halikan ang labi ko, bumaba na agad ang labi niya sa leeg ko. Hinayaan ko na lang siya. Gustong-gusto ko ang pakiramdam ng labi at dila niya sa leeg ko.

Nakakakiliti, tapos ang saya sa pakiramdam.

Grabe. Nahuhulog na talaga ako kay Breydon.

At sana.. kaya niya talaga akong saluhin.

••

Limang buwan.

Limang buwan na pala ang naka-kalipas simula ng lumipat ako dito sa Manila.

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon