Two

529 21 1
                                    

"Hi, Andrea, tama ba?"

Napatingin ako sa lalaking tumawag sa akin, "Hi." I smiled, "Oo, Andrea." sagot ko.

Ngumiti naman siya. Ang pogi niya naman, mukha siyang seryoso sa buhay.

"I'm Chad, I'm also a junior graphic designer."

Oh, pareho pala kami. Actually, lahat ng nasa office na 'to, pinaghalong junior at senior graphic designer. Graphic Designer department kasi 'to, and grabe, sobrang dami pala namin. Tapos napaka-dami ding cubicle. Kilig na kilig nga ako nang maka-upo na ako sa sariling kong swivel chair.

Like aaaah! Akin 'tong space na 'to! Grabe! Dream come true na talaga!

"Hi, Chad. It's nice to meet you." naka-silip pa din kami sa isa't-isa.

"You're really pretty, I mean.. akala namin model ka."

Hala?

"True." bigla na lang may sumulpot sa kaliwang side ko, "Ang ganda mo, girl. Akala ko talaga mag-a-audition ka do'n sa model, tapos ang tangkad mo pa, what's your height?"

Sino naman kaya siya? Maganda din siya, ha. Mukha nga lang siyang matured.

"5'8 feet." sagot ko habang naka-ngiti. Nakakatuwa naman, they approached me kahit bago ako dito.

"Wow." mukhang nagulat 'yung babae, "Ang tangkad mo nga." bulong niya.

Natawa ako ng mahina. Feeling ko naman ay tama lang ang height ko dito, nang mag-ikot kasi ako sa Robinsons kahapon, grabe, bakit may mga foreigners dito?

"I'm Demi, by the way." she handed me her hand. Tinanggap ko naman ito habang naka-ngiti.

"Andrea." sagot ko.

"What's with the commotion there?"

Hala.

Bumalik kaagad kami sa mga pwesto namin. That's Sir Bernard, ang head ng Graphic Designer department, saka isa din siya sa mga senior namin.

At dahil daw first day namin, ire-review na muna namin 'yung mga ongoing projects na ginagawa ng department namin ngayon. I also receive an introduction to the company's brand guidelines and kapag napag-aralan ko na daw ng maayos ang mga projects, I'll begin collaborating on small tasks with my seniors.

Lunch time.

"Sabay-sabay na tayo." tumabi sa akin sila Chad at Demi.

Napangiti naman ako, akala ko talaga mahihirapan akong humanap ng kaibigan dito, pero mukhang mali ako, they are kind naman pala.

"Ilang taon na pala kayo?" tanong ko sa kanila pag-pasok namin ng elevator.

"24." sabay na sagot nila sa akin.

Ay, pareho pala sila?

"22 naman ako." sagot ko dahilan para magulat sila.

"So young, huh? Nag-trabaho ka agad?"

Tumango ako. Ayokong mag-sayang ng panahon ng walang ginagawa, kailangan kong mag-trabaho para sa pamilya ko.

"Grabe, lahat talaga nakatingin sa'yo." bulong sa akin ni Demi pag-pasok namin ng cafeteria. May sariling cafeteria kasi ang Dawnlens.

"Hindi naman." nahihiya kong sagot sa kanya. Kahit na feeling ko ay totoo ang sinabi niya, ramdam ko naman, eh, saka may naka-eye to eye contact na ako kanina pa.

"From now on, model na talaga kita." Demi said habang umuupo sa tabi ko, umupo naman sa harap namin si Chad.

"Baka kay Chad sila naka-tingin, hindi sa'kin." sagot ko sa kanya.

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon