Seventeen

239 13 0
                                    

"Hey, Andrea."

Shit. Shit. Nandito ba talaga ako? Nasa harapan ko ba talaga siya?!

"H-Hi." nahihiya kong sagot sa kanya.

Sobrang pogi niya na naman. Naka-suot siya ng puting long sleeve na naka-tuck in sa black na pants. Tapos may suot din siyang specs. Mukhang doctor talaga, ang puti, grabe.

"You look so lovely." he looked at me from head to toe.

Hala. "T-Thank you." nahihiya kong sagot sa kanya.

"Isang oras lang pala ang mayroon ako." pagbibigay alam ko sa kanya.

Tumango naman siya sa akin. "Shall we?" he gestured the way.

Pag-pasok namin sa loob ng restaurant, kaagad kaming nag-hanap ng table. And pag-upo namin dito, napakagat na naman ako sa labi ko dahil, gosh, eto na naman tayo sa menu book, wala na naman akong alam!

"What are you having?" tanong sa akin ni Bryce. Hindi pa din ako makatingin sa kanya.

Nako-konsensya kasi ako. Hindi ako maka-paniwala na nandito ako kasama siya. Dapat si Breydon ang kasama ko, eh. Dapat 'yung kapatid niya.

"Eto na lang." itinuro ko sa kanya ang nakita kong pagkain. Steak na naman, simula nang dumating ako dito sa Manila, palagi na lang akong naka-steak, grabe.

"Waiter." tinawag niya 'yung waiter.

Matapos namin um-order, tinanong niya lang ako about sa trabaho ko and sumasagot naman ako sa kanya.

"I hope what I said was understood. Did you get enough sleep?"

Tumango ako sa kanya, "Oo naman." sagot ko.

"Nice." he smiled.

Nang ngumiti siya, biglang pumasok sa isip ko 'yung sinabi ni Breydon about sa kanya.

Asshole daw siya? Totoo ba? Bakit parang hindi naman. He look so kind nga, eh.

"So, you know my brother?"

Shit.

Tumango ako sa kanya.

"How is he?" tanong niya habang naka-tingin sa baso ng tubig na nasa harapan niya.

"He's fine." sagot ko sa kanya, "Medyo strick." dagdag ko that's why he smirked.

"As he should." sagot niya, "How long have you been here?" iniba niya kaagad ang usapan.

Sumagot naman ako sa kanya. So, nang dumating na ang pagkain, nag-uusap lang kami about sa work ko, sa buhay ko dito sa Manila. Puro ako nga ang tinatanong niya, eh, wala man lang akong alam tungkol sa kanya. Parang ayaw niya din kasing mag-share about sa life niya, parang si Breydon lang.

"Andrea, I appreciate you coming to lunch with me."

Finally, nandito na kami sa Dawnlens Company. Talagang inihatid niya pa ako dito.

"Thank you din." naka-ngiti kong sagot sa kanya.

He smiled, "So, see you next time?"

Next time? May next time pa?

"S-Sige." unsure kong sagot sa kanya. Matapos kong mag-paalam sa kanya, lumabas na kaagad ako ng sasakyan at dali-daling pumasok sa loob ng building.

Pag-sakay ko ng elevator, kaagad kong pinindot ang floor namin.

Shit. Nandiyan na kaya si Breydon?

Pag-bukas na pag-bukas ng elevator, kaagad kong tinignan ang office ni Breydon.

At pag-tingin ko dito—

"Shit."

Nandito na siya.

Kaagad na nag-tama ang paningin namin kaya mabilis siyang tumayo at lumabas ng office niya.

"Where the fuck have you been?" seryoso niyang tanong pag-lapit niya sa akin.

Napalunok ako, "Kumain ako sa labas." sagot ko habang nag-lalakad palapit sa office ko.

"With who?"

Ayan na nga.

"My friends." I lied.

"Stop lying, I saw your friends awhile ago. You're not with them."

Damn it.

"Bakit kailangan kong mag-paliwanag sa'yo?" humarap ako sa kanya, "Wala kang karapatan sa akin, Sir Breydon. Kaya hindi ko kailangan sumag—"

Argh.

Ayan na naman siya!

Hinahalikan niya na naman ako!

"Miss La Delle, why are you being so obstinate? How come I can't fucking own you?" gigil niyang saad habang naka-hawak sa pisngi ko.

"Andrea, I want you so much. I fucking want you, and it kills me to see you act like this towards me."

Napatitig na lang ako sa kanya. Sobrang lapit nang mukha namin sa isa't-isa.

"Why do I have to go through this? Why can't I fucking fulfill my desires?! Why do I have to make sacrifices?! I have choices, too! This is my damn life!"

Oh, God.

"Breydon.." napahawak ako sa pisngi niya.

Bakit siya umiiyak?

"Andrea, all I want is freedom." tears began to fall down his cheeks as he said, "I just want anyone to choose me."

"I want to be appreciated, too. I am so tired. What do I need to do? I've already given my all."

Parang maiiyak na din ako dahil sa sinabi niya.

"I want my freedom, Andrea. I want to be free." umiyak siya ng umiyak sa harapan ko.

Dahil hindi ko kayang makita na umiiyak siya, kaagad kong niyakap leeg niya. Ipinatong ko ang mukha niya sa balikat ko at marahan kong hinaplos ang buhok niya.

"You can be free, Breydon. You can do it." mahina kong bulong sa kanya, "Huwag mo silang isipin, ikaw na muna, Breydon. Sarili mo naman ang isipin mo." hinaplos ko ng hinaplos ang buhok niya.

Bigla siyang tumigil sa pag-iyak. Dahan-dahan siyang humarap sa akin.

"Would you allow me to ask you to be mine, just for me, as I at last allow myself to choose what I want out of life?"

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Would you allow me to become free?" tumitig siya sa akin.

"Would you like to become my girlfriend?"

Fuck. 

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon