Twenty

268 11 0
                                    

[Sobra pa nga itong ipinadala mo noong nakaraang linggo, ipunin mo na lang 'yan, anak. Malaki pa itong nasa amin.]

"Sigurado ka po ba, Ma?" tanong ko habang nag-lalagay ng plato sa table. Tapos na akong mag-luto ng dinner namin ni Breydon, kaya ngayon inihahanda ko na 'yung mga plato at baso habang kausap si Mama sa cellphone.

[Oo, Andrea. Lumalaki na nga ang baon nitong si Allen, masyado na siyang natutuwa sa ipinapadala mo sa amin.]

Natawa ako dahil doon, "Hayaan niyo, Ma. Nakaka-ipon naman po ako dito, eh. Tapos may sobra pa. Ayoko lang na nagigipit kayo diyan."

Sobrang thankful talaga ako sa Dawnlens Company. Ang laki kasi ng sahod ko, kaya nakakapag-dala ako ng malaki kila Mama, tapos nakaka-ipon na din ako, bukod pa 'yung nga expenses na binabayaran ko.

[Hindi kami nagigipit dito, anak.]

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Mama.

Mabuti naman. Ayon lang naman ang gusto ko, ang malaman na maayos ang kalagayan ng pamilya ko sa probinsya namin.

"Kakain na po ako, Ma. Mag-pahinga na po kayo diyan." paalam ko sa kanya. Nakita ko na kasi si Breydon na naglalakad na papunta dito.

Hindi pa alam nila Mama na may boyfriend na ako dito sa Manila.

Hindi ko alam kung paano sasabihin. Baka kasi magalit sila sa akin.

"Bye, Ma. Good night." I said bago ibaba ang tawag. Saktong pag-baba ko no'n, nasa harapan ko na si Breydon.

"Your mom?" tanong niya kaagad habang umuupo sa tabi ko.

Sobrang bango niya naman. Bagong ligo talaga. Saka sobrang gwapo niya, naka-suot siya ng black na satin sleepwear.

"Oo." sagot ko sa kanya. Matapos namin mag-pray, nag-simula na kaagad kaming kumain.

"Breydon." tawag ko sa kanya habang kumakain kami. May naalala kasi ako.

"Yes, baby?" he looked at me while munching his food.

So cute naman.

"Sino si Vimaia?" I asked straightforwardly.

Wala naman masamang mag-tanong, 'di ba? Girlfriend niya ako. May karapatan naman ako.

"Fuck you, Bentley." rinig kong mahina niyang bulong habang umiinom ng tubig.

"Vimaia's my ex-girlfriend." sagot niya sa akin habang nakatingin sa pagkain.

Ah, ex-girlfriend pala.

"Kung ex mo na siya, bakit ka niya hinalikan noon?"

"Damn." napa-mura na naman siya. Tapos pa-bulong na naman.

Tumingin kaagad siya sa akin, "Andrea, I apologize for making you witness that, it was unanticipated. She kissed me without warning, and I apologize for not being able to stop her—"

"So, may nararamdaman pa siya sa'yo?" tanong ko habang kumakain.

Bakit parang kabado naman siya? Nagta-tanong lang naman ako.

"I-I don't know." napalunok siya, "I'm hoping she's already moved on."

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na naka-patong sa lamesa, "You're my girlfriend now, Andrea. I don't give a fuck about her, okay? Right now, you are the only person who matters to me."

Medyo napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"Alam ko naman 'yon." sagot ko sa kanya, "Nagta-tanong lang naman ako, Breydon."

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon